Hindi alam ni Krystal kung gaano katagal siyang nakatulog, naalimpungatan lang siya nang maramdaman na may ibang tao sa loob ng kwarto. She slowly opened her eyes as she heard voices that filled the room. Agad na bumungad sa kaniya ang pamilyar na mukha ng mga prinsesang El Greco, pati na rin ang reyna, mga duchess, at saka ang mag-inang Haze at Hezekiah. Inilibot niya ang paningin sa paligid at nakitang nasa kwarto pa rin siya ni Uno. Nagtatakang tiningnan niya ang mga naroroon lalo pa at nakabihis sila ng magarang kasuotan ng mga maharlika, maging sina Haze ay ganoon din ang suot. What bothers her is the fact that they were inside Uno's room. Ano ba ang binabalak ng mga ito at naririto silang lahat.
"Uhm, bakit po kayo narito?" nahihiya subalit magalang na tanong niya sa mga ito.
"Wala naman ate, kailangan mo lang na magbihis para sa party" nakangiting sagot ni Eight sa kaniya.
"Party?"
"Yup, matagal-tagal na rin kasi magmula noong huling uwi namin dito sa palazzo eh kaya may party na maggaganap" sagot naman si Eris. Si Iris naman na nasa tabi lang nito ay tahimik lang.
"Ah eh, si Uno nga pala?" mahinang tanong niya.
"Hindi pa nakakauwi, naghahanap pa ng grapes doon sa plantation" ang ina ni Uno ang sumagot. Bakas sa mga mata nito ang kakaibang kislap, may panunukso sa mukha.
Hindi naman makapagsalita si Krystal. Ibig sabihin, naghanap pa si Uno ng ubas kasi ubos na ang ubas na nasa kusina. Ano bang iniisip niya at inutusan niya pa si Uno na maghanap ng grapes, at ano naman ang iniisip ni Uno para ito pa mismo ang lumabas para maghanap ng prutas na gusto niyang kainin? Kung tutuusin ay pwede naman nitong utusan ang mga tauhan ng palasyo para maghanap ng ubas sa bayan eh.
"Dear tell me" pukaw sa kaniya ng ina ni Uno mula sa malalim na pag-iisip.
"Ha?"
"Tell me, magkakaroon na ba kami ng apo?" ani ng ginang, bakas sa mukha nito at ng iba pang naroon ang excitement pati na rin ang panunukso.
Agad naman siyang namula sa tanong nito. Hindi niya alam ang dapat sabihin. Hindi pa naman siya sigurado kung may laman na eh, pero base sa mga sintomas na nararamdaman niya nitong mga araw ay maaarung senyales iyon na nagdadalantao nga siya.
"Come on dear, huwag ka nang mahiya" ang ina nina Six naman ang nagsalita.
"Yeah, tayo-tayo lang naman ang nandito eh" pagsang-ayon naman ng ina nina Eris at Iris. Habang ang tatlong prinsesa naman ay nakangiti lang pero mababakas ang panunukso sa mga mata ng mga ito. Si Haze naman ay nakangiti lang din sa kaniya.
"Ah eh, hindi ko pa po alam eh. I haven't tried using pregnancy test" tugon naman ni Krystal habang nakayuko.
"I have been noticing some changes, been craving for foods, I sleep a lot. But I don't want to get ahead of it without having confirmation, I don't want to give myself false hope of something I'm not sure about" dagdag pa niya. At isa pa, hindi ako sigurado kung tatanggapin ni Uno ang anak namin kung sakali. Dagdag pa niya sa isipan.
"Oh, okay. Wait here. May kukunin lang ako, Mariana, Anna samahan niyo 'ko" saad ng Reyna sabay alis sa kwarto ni Uno, sumunod naman kaagad ang dalawang Duchess. Napatanga naman si Krystal habang nakatingin sa pinto na nilabasan ng mga ginang, halos hindi rumihestro sa isip niya ang naganap. Just what on Earth was that? Hindi mabura sa isip niya ang excitement sa mga mukha ng mga ito.
"Ate, so ano na status niyo ni Kuya?" Eight asked.
"Huh? Hindi ko alam eh. Fubu?" Krystal replied, unsure making the others laugh.
"Ay manhid"
"Kawawa naman si kuya, fubu lang pala siya" tawa pa ng mga pinsan ni Uno sa kaniya.
"Hoy may bata" natatawang sabat ni Haze, mabuti na lang at abala si Hezekiah sa pagkain ng tiramisu.
BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
General FictionSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...