[WARNING: SLIGHT SPG]
Malakas ang kabog ng dibdib ni Krystal habang nakatingala sa matayog na building sa harapan niya. She was nervous as fuck. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Uno ang pakay, pero kailangan niyang tatagan ang loob, for her mother's sake.
Matiwasay siyang nakapasok sa loob ng building, mabuti na lang at hindi siya sinita ng mga guwardiya kahit ramdam niyang pinagtitinginan siya ng mga ito. She's wearing a red dress na aabot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya. Hindi naman ito eskandalosa kung titingnan pero hindi rin naitago ang magandang hugis ng katawan dahil humakab sa figure niya ang suot ng damit. Hindi na lang niya pinansin ang titig ng mga ito at nagtungo sa front desk para itanong kung narito ba ngayon ang lalaking hinahanap at kung anong palapag niya ito matatagpuan. Maybe he's on the top floor pero hindi naman niya alam kung hanggang ilang floors itong building eh, mas mabuti na rin iyong nagtatanong.
"Uhmm Miss, nandito po ba ngayon si Mr. El Greco? Anong floor po siya?" magalang na tanong niya rito na agad namang sumagot.
"Yes Ma'am, Mr. El Greco is around. Nasa top floor po" sagot nito. Sinipat pa siya na parang may itatanong pa.
"May appointment po ba kayo Ma'am? And by the way, sino po sila? Para maitawag ko po" magalang na tanong ng babae. Part of her job.
"Sorry wala akong appointment. Pero pwede pakisabi kailangan ko siyang makausap ng personal. Krystal Hizzine Vargas is the name" malakas ang kabog ng dibdib niya habang sinasagot ang tanong ng front desk officer. Parang gusto na lang niya tuloy na tumakbo palayo, pero... ang mama niya, kailangan ng mama niya na maoperahan. She blew a deep breath to focus her thoughts. Hindi siya pwede mag back-out.
"Segi po" maiksing tugon nito at saka may tinawagan.
"Sir may gusto pong kumausap kay Mr. El Greco" panimula nito sa kausap sa kabilang linya. Siya naman ay nakikinig lang rito.
"Personal daw po" she paused and then look at her.
"Uhmm, magandang babae po tapos Krystal.." napatingin ito ulit sa kaniya na para bang humihingi ng saklolo. Maybe she forgot her full name.
"Krystal Hizzine Vargas" mahina niyang saad rito, tumango ang babae at saka ibinalik sa telepono ang atensyon.
"Krystal Hizzine Vargas daw po" the woman paused, waiting for the other party on the telephone to reply.
"Okay po" sagot nito sa kausap at saka bumaling sa kaniya.
"Ma'am pumasok na raw po kayo" saad nito sa kaniya at saka bumaling sa isa sa mga naka-duty na guards.
"Kuya Baldo, paki-assist si Ma'am sa 30th floor. Utos ni boss, at doon sa personal elevator daw" and with that she left her and went back to her seat. S'ya naman ay naiwan kasama ang guard na iginigiya siya patungong elevator.
"Nandito na po tayo Ma'am" anunsiyo ng guard nang marating nila ang destinasyon, pero ipinagtataka niya ay wala itong laman nang buksan niya.
"Private elevator po ito ni boss, siya at ang mga kapatid at pinsan niya lang ang gumagamit kaya wala pong tao. Direkta ka pong makakarating sa top floor Ma'am, pindutin mo lang ang 30th floor. Segi po aalis na ako" and just like that she was alone in that elevator. Nangangatog ang tuhod niya sa sobrang kaba, nanginginig rin sa sobrang panlalamig.
After few moments, she heard a ting, a sign that she already reached her destination. She stepped out and was greeted by a handsome man, probably in his mid-thirthies.
"Diretso lang po sa dulo nitong hallway Ma'am. Nandoon po ang opisina ni boss. Hinihintay ka" pormal na salubong nito at saka itinuro ang dulong bahagi ng hallway. At pagkatapos ay umalis na. Siya naman ay ihinahakbang ang mga paa patungo sa itinuro noong lalaki. Actually, wala namang ibang room eh, nag-iisa lang at napakalaki. Nalulula siya. She took a deep breath and walked near that door. She need to do it, she has to.
BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
RomansaSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...
![El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/271668670-64-k432947.jpg)