After two weeks, pwede na raw makalabas na ng hospital si Mrs. Vargas at kailangan lang na i-monitor ang kalusugan nito at ang bago nitong puso. It has also been two weeks since she last saw Uno. And true to his words, he never bothered her through those days when she was busy taking care of her mother. Bayad na rin ang bills nila sa hospital, pati pangkain nila ito pa mismo ang nag p-provide. Ang problema na lang nila ay ang gagamitin nilang pera pagkalabas nila. Hindi naman pwedeng umasa lang sila sa ibinigay nitong pera na pambili ng gamot ng mama niya. He gave her a hundred thousand, pandagdag daw sa gagamitin sa expenses namin. Ilang daang libo na ba ang utang niya sa lalaki? Ay mali, baka nga lumagpas na ng milyon. Saad niya sa isipan. At kahit ganoon na kalaki ang pera ay hindi pa rin iyon sasapat kasi masyadong mahal ang maintenance ng mama niya, plus the fact na nag-aaral pa ang kapatid niya ay alam niyang ilang linggo lang ang itatagal ng perang iyon pero siguro naman ay may mapagkukuhanan sila ng panggastos nila. May kailangan pa siyang pagbayaran na utang. Napabuntong-hininga na lang siya. She looked hopeless but she know they will survive this.
Nasa inuukupang kwarto pa rin sila ng ina at hinihintay ang discharge nito, nagpapahinga ang mga magulang pero hindi naman natutulog habang si Ky naman ay inaayos ang mga gamit na dadalhin pauwi. Tahimik lang sila nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang humahangos na si Dos kasama ang isang magandang babae.
"Kuya Dos" si Ky ang unang nakabawi sa bigla.
Tinaasan naman ni Krystal ng kilay si Dos nang bumaling sa kaniya ang tingin ng kaibigan. Bumuntong hininga lang ang binata at saka nagmano sa mga magulang niya, tinapik ang balikat ni Ky at pagkatapos ay tinapik ang ulo niya nang makalapit sa kaniya.
"Buti naman okay ka lang" mahinang anas ni Dos.
"Ang tagal kitang hindi nakita Dos ah, hindi ka na dumalaw sa bahay eh" saad ng ama ni Krystal na halata namang masaya nang makitang muli ang kaibigan ng anak.
"Naging busy po kasi Tito" sagot naman nito, kapagkuwan ay bumaling sa ginang na nakaupo sa hospital bed.
"Kumusta po Tita?"
"Eto ayos naman" sagot naman ng ginang sa binata.
"Ah siya nga po pala, Zine, tito, tita, Ky, si Haze nga pala" pagpapakilala ni Dos sa babaeng kasama na kanina pa tahimik.
"Asawa mo Dos? Ang gandang bata" nakangiting saad ni Mrs. Vargas na ikinangiti naman ni Dos.
"Ang ganda nga" he replied dreamily while looking at the woman. Napangiti naman si Krystal, looks like her bestfriend is happy. Halata kung paano nito titigan ang babae, kung paano nito hawakan ang kamay kahit pa pilit nitong kinukuha. Hmm, mukhang sinusuyo pa rin ni Dos hanggang ngayon. She thought.
"Uhmm, pwede po bang makausap muna si Zine? May pag-uusapan lang kami sandali" paalam nito sa mga magulang ni Krystal. At nang bumaling ang mga mata nito sa kaibigan ay nakita ng dalaga na serysoso ito. Mukhang mag-uusap nga sila ng masinsinan, mukhang alam na nito ang ginawa niya para mapaoperahan ang ina pero wala na rin naman itong magagawa pa. Tapos na.
"Hazey, uhmm, pwede bang dito ka muna?" Mahinang ngunit masuyong pakiusap ni Dos sa dalaga, pero umirap lang ito at naglakad paalis.
Napailing na lang si Dos sa inasal ni Haze pero hindi ito nagsalita. Napangiti naman si Krystal na nakikita. Looks like her bestfriends love story was not one-sided afterall. Sa kilos ni Haze, halatang nagseselos ito kaya naman bago pa makalayo ang dalaga ay sinundan niya ito.
"Haze sandali" she called the woman. Huminto naman ito at humarap sa kaniya.
"What?" she asked with her brows shot up. Halata ang pagtataray sa tono nito na ikinatawa niya sa isipan.
BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
Storie d'AmoreSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...
![El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/271668670-64-k432947.jpg)