Nang magmulat si Krystal ay nasa himpapawid pa rin sila, pero dahil nasa gilid siya ng bintana nakapuwesto ay kitang-kita niya ang makapal na ulap at bughaw na langit sa labas. Sinubukan niyang dumungaw upang makita ang nasa ibaba at hindi niya maiwasan ang mamangha sa nakikita. Nagtataasang modernong building, mga nagtataasang tore na sa tingin niya ay gawa pa noong sinaunang panahon, hindi na siya nagtataka dahil kabilang ang bansang Roma sa mga syudad noong sinaunang sibilisasyon. Though hindi naman siya sigurado kung nasa Rome nga sila. Hindi na siya nagtanong dahil mukhang tulog naman ang katabi niya kaya binusog na lang niya ang mga mata sa mga nagtataasang building na mahagip ng paningin.Ilang sandali pa ay nag-announce ang piloto— which is Fourth na ilang sandali na lang lalanding na ang eroplano. Tiningnan niya pa saglit sa ibaba at nakita ang isang wide open field na may nakaextend na runway. Pagkatapos ay bumaling na siya sa katabi na ngayon ay gising na.
"Baby? Are you okay? I mean, hindi na ba masama ang pakiramdam mo?" Uno asked, the sincerity is visible. Kinapa pa ang noo niya para masigurong wala siyang sinat.
"Okay lang, nakapagpahinga naman na ako" sagot niya nang nakangiti para hindi ito mag-alala.
"Good, because we have a lot of things to do here in Italy" he replied and then kissed her temple.
Ilang sandali pa ay nag-iba na ang takbo ng sinasakyan nilang eroplano, tanda na nasa runway na sila.
Nang makababa ay agad na inilibot ni Krystal ang paningin sa paligid. Malaki ang open space, ang sarap din pagmasdan ng mga luntiang halaman sa paligid, pero mukhang hindi yata gaanong crowded ang airport kagaya ng inaasahan niya. O baka naman private property nila?
"Where were we?" She asked Uno in confusion.
"Rome baby" maikling sagot nito sabay paalam sa kaniya na lalayo muna dahil may tatawagan pa itong piloto. Bahagya siyang naglakad sa unahan, doon niya lang napansin ang crowded na airport. Sa bahaging iyon ay puno ng mga tao, and it exactly look like a busy city she imagined. Airport pa lang ay sobrang busy na. She noticed that five blocks are not occupied, ito yung nasa pinakagilid, while the others are full of people, let it be tourists, locals, or workers of the airport. Hindi maipagkakailang maraming turista ang nakikita niya base sa anyo ng mga ito, may mga Pilipino at iba pang mga lahi ang nasa himpilang panghimpapawid ng Italy dito pa lang sa Rome. Hindi naman na iyon nakapagtatakan lalo pa at maraming magagandang tanawin ang bansa. Italy has a lot to offer, at kung tama ang pagkakaalala niya at sa mga nakikita niya kanina sa himpapawid pa lang ay maraming old structures ang bansa, marami ring nagkalat na malalaking Basilica, mayroon pang mga ruins na kaysarap pagmasdan.
Nang magsawa siya sa pagmamasid sa paligid ay bumalik siya sa kung saan naroroon ang mga kasama niya, and there she found Uno who looks like a mess—well not totally, he just look like someone in raging emotions but worry is visible in his face. Para itong naghahanap ng bagay na hirap na hirap siyang hagilapin. At nang dumapo sa kaniya ang paningin ng binata ay tila nabunutan ito ng tinik at nakahinga ng maluwag. Dali-dali itong tumakbo papalapit sa kaniya at saka kinabig siya sa isang mahigpit na yakap.
"Thank God. You are safe" bulong nito sabay pakawala ng marahas na paghinga habang mahigpit siyang niyakap. Naguguluhan man ay yumakap lang siya rito pabalik.
"Where have you been baby? I am so damn worried. Akala ko naligaw ka na" sunod-sunod na tanong sa kaniya ng binata, punong-puno ng pag-aalala ang boses nito. Pinag-alala ko ba siya? Tanong niya sa isipan. Pero nakikita niyang nag-aalala talaga ang binata. So he cares. She concluded. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagkaganoon ay nilukob ng init ang puso niya sa kaalamang nag-aalala si Uno, pero agad niya ring sinuway ang sarili dahil mukhang may dahilan ang reaksiyon ng binata. At hindi nga siya nagkamali.
![](https://img.wattpad.com/cover/271668670-288-k432947.jpg)
BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
Ficción GeneralSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...