Days passed and her world is at peace. Walang damuho ang namemeste at naninira ng araw niya. Maliban sa paminsan-minsang pagsulpot nito sa kanyang isipan ay wala na, walang pisikal na Uno ang naninira ng araw niya. Mas mabuti na iyon kaysa sa landiin siya nito kahit sa gitna ng trabaho, o di kaya ay ulitin na naman nito ang ginawa noong nakaraan sa locker room.
Pero siguro nga ay nakatadhana ang damuho na manira ng mood niya kasi pagkaraan lang ng tatlong araw ay pumasok sa café si Uno in his dashing suit. At bwesit, hindi maipagkakailang ang gwapo ng damuho. Para itong artista habang naglalakad na nililingon, tinitilian, at palihim na kinukuhanan ng litrato. Ang walang hiyang lalaki naman ay ngumiti pa kapagkuwan ay ngumisi habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
'Damn, get a hold of yourself Krystal. Walking redflag ang lalaking 'yan, wala kang mapapala kundi sakit lang sa ulo at sa atay' she silently scolded herself and look away, trying hard not to meet his hot gaze. His gaze is intense that she can feel the heat coming from him. Hindi niya rin alam kung bakit, pero ramdam niya ang nakakapasong titig ng lalaki na tila sinusunog pati ang kaluluwa niya, iniimbitahan na mahulog sa mainit nitong bitag ng pagnanasa. He is a walking temptation and he's actually living with it. Kaya bago pa man s'ya mapaso, bago pa man maisipang magpatianod ng malanding kaluluwa niya sa init na dala nito ay gumawa na siya ng paraan para makaiwas dito. Pero bago pa man niya ito maiwasan ay tinawag siya ng binata.
"Baby" he called her with his deep dark voice with a sexy edge making her cringe.
Bwesit! Madapa ka sanang gago ka tapos mapisa 'yang malandi mong itlog. pagmumura niya sa isipan at saka dahan-dahan na lumingon sa gawi ng lalaking gustong-gusto niyang tirisin.
Tinapunan niya ito ng matalim na titig pero ang hudyo ay patuloy lang sa paglalakad palapit sa kanya at may sinusupil na ngisi sa mga labi.
Bwesit talaga. Ang sarap tirisin. May araw ka rin sa'kin na gago ka, mapipisa talaga 'yang isa sa dalawa mong itlog.
Inikutan niya ito ng mata at saka tuloy-tuloy na naglakad patungong locker room para makaiwas rito pero sadyang makapal ang bungo ng lalaki na sinundan pa talaga s'ya sa loob ng locker room. Uminom muna siya ng tubig at saka nagpakawala ng malalim na hininga bago ito hinarap nang naka-krus ang mga braso sa dibdib.
"What?" mataray na tanong niya rito pero hindi man lang ito natinag at nakuha pa siyang ngitian ng matamis, showing his perfect set of teeth. At bwesit, mas lalo itong gumagwapo. Kung hindi niya lang alam na bad news ang isang Uno Gabriel El Greco, kung hindi niya lang alam na walking red flag ito ay malamang nahulog na rin siya sa karisma nito.
"Baby I miss you" malambing na saad nito na lumapit pa lalo sa kanya.
"Pwede ba, lumayo ka nga" asik niya rito habang matalim ang tingin sa lalaki na nakangiti pa rin ng matamis. Kung titingnan sila ay para silang magkasintahan na sinusuyo ng lalaki ang nagtatampo niyang girlfriend.
"Baby ayoko, namiss kita eh. Naging sobrang busy ko sa empire sa Italy noong nakaraan kaya hindi kita napuntahan dito" naglambing pa lalo ito sa kaniya making her cringe even more. Bwesit, akala mo jowa na naglalambing at inaalo ang girlfriend na sinusumpong kasi hindi ito nagpakita sa loob ng ilang araw.
Akmang yayakap pa ito sa kanya nang itulak na niya ito palayo. Hindi niya kinakaya ang panlalandi nito, baka tuluyan na siyang bumigay sa kalandiang taglay ng damuho at hayaan na naman itong halikan siya. Ayaw na niya. Nadala na siya noong una, napagod siyang magtago ng kissmarks na ginawa nito noong nakaraan at ayaw na niyang maulit iyon.
"Lumayo ka nga sa'kin" singhal niya rito.
"Tigilan mo na ako pakiusap lang. Kung gusto mo ng babaeng paglalaruan, please 'wag ako. Ayokong maging babae mo" dagdag pa niya na ikinatahimik ng binata.
BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
RomanceSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...
![El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/271668670-64-k432947.jpg)