It was just another normal day for Krystal aside from that she missed his pressence already. It has been a week since the last time she saw Uno and everyday she felt like someone cleared a space in her heart. Parang may kulang, o baka masyado lang siyang nasanay sa kakulitan nito.
"Malayo ang tingin"
"Nakatulala sa hangin"
"Gaga magkaibang kanta 'yon"
"Ay gan'on? Akala ko pareho lang eh"
Ang ingay ng mga kasamahan niya ang pumukaw sa kanyang naglalakbay na isipan. Napalingon siya at nakita ang tatlong kasama na naglilikot at naghaharutan kaya naman mahina siyang natawa. Para itong mga bata kung umasta, eh nasa twenties na naman ang mga ito, mas matanda lang siya ng ilang taon sa kanila. Nang marinig ang tawa niya ay tumigil ang mga ito sa paghaharutan at saka umupo sa mga upuan sa mesang inuukupa niya. Madalang ang customer nila kapag ganitong mataas na ang araw. Malamang ay nasa trabaho na at ang iba ay malamang may klase pa.
"Ang layo ng tingin ah, may hinihintay ka ganda?" tanong sa kaniya ni Rhea.
"Baka hinihintay na dumating bebe niya" tukso ni Jaena habang pangisi-ngisi pa.
"Hinihintay si Sir Pogi" gatong pa ni Ana, humagikgik pa ito na parang kinikilig.
"Tigilan niyo nga ako, kung ano-ano ang iniisip niyo. Mag trabaho na nga kayo" pagtataboy niya sa mga kasama. Hindi siya komportable sa panunukso ng mga ito kahit pa may basehan naman talaga ang mga ito. They witnessed how Uno flirted with her.
"Oo na hindi na" pagsuko ng mga ito pero hindi pa rin nawawala ang pang-aasar sa mga labi ng mga ito.
"Pero gusto ko siya para sa'yo ganda, bagay kayo" nakangiting saad ni Rhea at saka parang timang na tumingala na para bang naglalakbay ang imahinasyon. Pagkatapos ay parang bulateng binuhusan ng alcohol na nangingisay na kinikilig. Ano 'yan? Mental picture?
"Ang gaganda siguro ng lahi niyo" parang tangang dagdag na nito na ikinairap niya. Ang dalawa naman ay sumang-ayon rito at parang timang na kinikilig din kagaya ni Rhea. Kahit kailan talaga, may sayad itong mga kasama niya sa trabaho. Sa tatlong taon na kasama niya ang mga ito ay sanay na siya sa takbo ng mga utak nila.
"Che! tumigil nga kayo" suway niya sa mga ito pero hindi pa rin sila tumitigil sa katutukso sa kaniya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumimangot na lang kasi hindi talaga matigil ang tatlo sa pang-aasar sa kaniya. Biglang lumiwanag ang mukha niya nang makita ang kampon ng mga El Greco na paparating na para bang ang mga ito ang magliligtas sa kaniya mula sa mga panunukso ng mga kasama.
"Yow"
"Good afternoon ladies"
Sabay-sabay na bati sa kanila ng mga ito kaya naman ang kaninang panunukso ay natigil. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Krystal na humahanga ang mga kasamahang dalaga sa nagguguwapuhang magpipinsan na El Greco kaya naman lihim siyang napangiti nang makitang nagpipigil ng kilig ang mga ito. Sabi pa nila eh, harmless crush lang naman daw.
"Pahinging cake nga miss ganda, nagugutom ako eh" nakangusong sambit ni Six na ikinatanga ni Krystal.
"Same here beautiful, I want cookies"
"Ako rin, lava cake"
Sunod-sunod na pagsasalita ng mga ito na halos sabay pa, tingin yata nila eh may super powers ang kausap nila na naiintindihan sila kahit sabay na magsalita. Napapantastikuhan namang tumingin siya sa mga ito. Nagpunta ba ang mga ito sa café para kumain? Kung gutom naman pala sila, eh bakit hindi nalang sila pumuntang restaurant? Mga siraulo talaga, tss. Napailing na lang si Krystal at hinanda ang order ng mga kapatid at pinsan ng boss niya, memoryado pa naman niya ang madalas na ino-order ng mga ito kaya hindi na siya nabahala pa kahit sabay ang mga ito na nagsalita kanina. Pinatulong niya rin ang tatlo para mapadali kasi mukhang gutom na nga ang mga gwapong nilalang na nasa VIP lounge ng café. Hindi naman daw sila magtatagal kaya hindi na nag-abala na pumasok ng VIP room na pinagawa mismo ni Dos para sa kanilang mga El Greco.

BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
General FictionSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...