Chapter 26

1.1K 26 9
                                        

"So you're married already son huh? Bakit hindi ko alam?" anang isang lalaki na may malaking pagkakahawig kay Uno, probably his dad since that man called him son.

"You know Mio figlio, I'm hurt. You didn't invite us, panigurado magtatampo sa iyo ang Mamma mo" dagdag pa nito.

"Sì, sì my dear nephew. A tua Mamma sicuramente non piacerà" sabat naman ng isa pa sa wikang Italiano. Nakatanga lang si Krystal sa apat habang nag-uusap sa sariling lenggwahe at wala siyang naiintindihan maliban na lang kung English o Filipino ang gamit ng mga ito ay maiintindihan niya.

"Uhmm excuse me, nandito lang po ako" sumabat na siya, hindi na niya nakayanan na makinig sa mga ito sa lengguwahe na hindi niya maintindihan. She talked to them using the language she was used to, she figured they could understand her even when she would communicate using Filipino. Kani-kanina lang ay nag-Filipino rin ang ama ni Uno.

"Mi dispiace mia figlia, ginigisa lang namin itong anak ko" nakangiting sagot ng ama ni Uno, ito rin ang unang nagsalita kanina.

"You are my son's wife right? I'm Genesis, Uno's father" pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Hindi naman alam ni Krystal kung tatanggapin ba ang kamay lalo pa at inakala ng mga ito na asawa talaga siya ng anak nila. Pero sa huli ay tinanggap niya rin, nakakahiya naman kung hindi.

"And that's my brothers, Isaiah and Jacob" he motioned his brothers—the other men inside the room.

"Hello po, I'm Krystal, pero hindi po ako asawa niyang anak niyo. Ewan ko po diyan, basta na lang ako inangking asawa" saad niya na umani ng malutong na halakhak mula sa magkakapatid na El Greco.

"Damn, you just got burned son" tawang-tawa pa ring saad ng ama ni Uno.

"Inangkin mo nang asawa, nice one buddy"

"Manang-mana sa'yo kuya haha" halakhak pa ng dalawa, si Uno naman ay hindi maipinta ang mukha.

"Burned"

"Grilled"

"Toasted"

"Papà, Zio Isaiah, Zio Jacob, shut up" masama ang tinging ipinukol ng binata sa tatlo na patuloy lang sa tawanan at pang-aalaska dito, pagkatapos ay nakangusong lumingon sa kaniya.

"Baby, how could you be so heartless" napatanga naman siya rito.

"What?"

"Tss, so heartless" umiling-iling na bulong nito. Hindi naman mapigilan ng magkakapatid na matawa sa inasal ni Uno, the Uno Gabriel El Greco, the man who had tons of women crawling under his feet was denied by a little woman. Looks like the womanizer found his match. Sa isip ng tatlo  habang natatawa sa nakabusangot na mukha ni Uno nang mapatitig sa dalaga, nakakatuwang pagmasdan lalo na ang masamang tingin na ipinupukol ng binata sa kanila.

"Papà, stop laughing. It's not funny" Uno grumbled making Genesis chuckle. Maging ang mga kapatid niya ay ganoon rin pero kapagkuwan ay tumigil rin sa pang-aasar sa binata nila. He cleared his throat catching Uno's attention.

"Son, you're not going home tonight?" Genesis asked his son. Baka kasi may plano pang mag-stay ng panganay na anak sa Rome lalo pa at may kasama ito.

"Nope. Bukas na" sagot nito sa ama.

"And please Papà, don't tell Mamma about this, ako na ang magsasabi" dagdag pa ni Uno kasi nasisiguro niyang pagpipiyestahan siya ng mga ito kung hindi niya babalaan.

"Oh" iyon lang ang nasagot ni Genesis, his son knew him too well because he would really love to tell about what happened earlier to his wife.

"Sì Papà oh. And please no words to Nonno and Nonna" dagdag pa ni Uno.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon