Chapter 35

998 26 0
                                        

Morning came and just as usual, her eyes settled on Uno's chest. Umagang-umaga pero masarap sa ilong ang amoy ng binata. Marahan siyang bumangon sa kama nang hindi inaalis ang tingin sa gwapong mukha nito. Hidni niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig dito, ang alam lang niya ay piangamamsdan niya ito hanggang sa magising.

Right after breakfast, they immediately left the palace. Uuwi na rin sila sa Pilipinas. At doon ay haharapin nilang muli ang katotohanan. At kagaya noong nakaraan ay si Fourth ang piloto ng kanilang private plane pauwi ng Pilipinas. Nang makalapag naman sa airport ay nakahanda na ang helicopter na sasakyan nila pabalik ng Aureus Hill. While Dos, and the rest rode the limousine back to La Tierra.

Pauwi sila ng Aureus Hill na pakiramdam ni Krystal ay latang-lata siya na hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa byahe. Siguro dahil sa layo ng biyahe nila ay napagod siya. Nang magising siya ay nasa kama na at nakahiga ng maayos. She look around and found it was Uno's room in his mansion.

Oo nga pala, dumiretso nga pala kami dito sa Aureus Hill matapos makarating sa airport. Saad niya sa isipan.

Ang mga kapatid ni Uno maliban kay Dos ay dumiretso ng La Tierra, sa bahay ng mga magulang nila lalo pa at kasama nilang umuwi ang mga ito. Na-miss daw kasi ang mag-asawa ang hangin ng Pilipinas kaya sumama pauwi.

Antok pa rin si Krystal sa kabila ng mahabang tulog. Pero hindi na niya iyon alintana. Ang iniisip niya ay kung ano nga ba ang dapat niyang gawin ngayong nakauwi na sila. Babalik ba siya sa bahay nila sa San Juan? O mananatili dito sa bahay ni Uno? Naguguluhan siya. Dapat bang manatili siya sa tabi ng binata o dapat bang lumayo muna para makapag-isip ng maayos.

Sa gitna ng kaniyang pagmumuni-muni ay bumukas ang pinto at iniluwa n'on si Uno.

"Hey baby, gising ka na pala" sambit ng binata habang naglalakad patungo sa kaniya.

Kinusot-kusot pa niya ang mga matang inaantok para maaninag ng husto ang binata. Nang makita ang lagay niya ay muli itong nagsalita.

"Still sleepy?" Isang tango lang ang naging tugon ni Krystal. Napailing naman si Uno.

"Get up baby. Mamaya mo na ituloy ang tulog mo, kakain muna tayo" saad pa ng binata sabay hila ng marahan kay Krystal patayo sa kama para makababa na rin sila sa hapag-kainan.

After dinner, nag-toothbrush si Krystal at saka nagbihis pagkatapos ay natulog ulit. Hindi naman siya kinulit pa ng binata at hinayaan siyang makatulog.

Sa kalagitnaan ng gabi, nagising siya dahil pakiramdam niya ay puputok na ang kaniyang pantog. Pagkatapos niyang umihi ay bumalik na siya sa higaan, subalit nawala na rin ang kaniyang antok. Malalim pa ang gabi kaya naman pinilit niya ang sarili na matulog sa tabi ni Uno, pero nakailang baliktad na siya ng pwesto ay mailap pa rin sa kaniya ang antok, hanggang sa umusod na siya at nagsumiksik sa binata. Niyakap niya ito na awtomatiko namang yumakap sa kaniya pabalik. Magkadikit ang mga katawan nila at nararamdaman ang pamilyar na init ng katawan nito.

So warm. Uno is just so warm, and comfortable. At sa sobrang komportable niya, hindi niya namalayang nakatulog siyang muli sa mainit na bisig ng binata.

Nang muli siyang magising ay umaga na at wala na rin sa tabi niya si Uno. Malamang ay naghahanda na naman ito ng agahan nilang dalawa. Bumangon na rin siya at saka naligo sa banyo habang wala pa ang lalaki kasi paniguradong babalik iyon sa kwarto para magdala ng pagkain o hindi kaya ay para dalhin siya sa dining.

Nang matapos niyang maligo at magbihis ay siya namang pagpasok ni Uno sa kwarto, at hindi nga siya nagkakamali. He was there to fetch her. Nagpahila naman siya, wala sa mood na makipagbangayan matapos niyang mag-enjoy sa yakap ng binata kagabi at kaninang madaling araw.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon