Chapter 21

1.2K 26 6
                                        

"Uno po. Uno Gabriel El Greco" pagpapakilala niya. Bumadha naman ang gulat at pagkamangha sa mga mukha nila, hindi nila aakalaing ang isang Uno Gabriel El Greco ay makakasalamuha nila.

"Oh, the prince of the El Greco household in Florence, and the CEO of the multi-billion empire" saad naman ni Mr. Vargas pagkatapos makaahon sa gulat.

"Yeah that was me, your highness but I somehow dislike being addressed as prince. I am fine being Uno" medyo awkward na sagot niya sa mga ito.

Nagulat naman si Kristoff sa narinig na pagtukoy ng binata sa kaniya. He just addressed him as your highness, and it has been so long since he last heard that title before his name. Mukhang kilala yata siya ng binatang kaharap nila ngayon.

"Nagkakamali ka yata hijo, hindi ako isang kamahalan, isa lang akong simpleng ama na namumuhay dito sa San Juan"

"No. I'm sure it was you Sir. Ilang beses rin akong nagtungo sa palacio, sa Casa Velasquez para hanapin ka" sagot naman ng binata na lalong ikinataka ng mag-asawa. Sigurado kasi si Kristoff na hindi niya pa nakakasalamuha ang binata.

"Ako iyong batang nakabunggo sa'yo sa garden, ako rin iyong batang iniligtas mo noong muntik akong mapagtripan ng mga tambay sa kanto tapos binitbit mo pauwi sa palacio" pagkukwento ni Uno habang nakasilay sa labi ang isang munting ngiti. Inaalala ang minsang pagtatagpo nila ng landas ng prinsipeng Espanyol. He was around four years that time, sa edad niyang iyon ay malikot na ang kaniyang utak. He was a brilliant kid that he can even memorize a place in just one look. Gumala siya nang walang pahintulot mula sa magulang, palihim siyang bumiyahe hanggang sa narating niya ang España. Pero nang magawi siya sa isang kanto, may mga barumbadong tao roon na bigla siyang pinagtripan mabuti na lang at dumating ang isang binata at iniligtas siya. Kahit binabalot ng takot ang puso ng bata ay hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang paghingi nito ng tawad. He could even recall them calling him principe, at nang bitbitin siya nito pauwi ay saka niya nakumpirma na isa nga itong prinsipe. And that was the first time his feet set on the ground of the Casa Velasquez, he was brought by the crowned prince himself.

"Ahh ikaw pala ang batang iyon?" Mr. Vargas smiled at him in recognition. Natatandaan na niya ang bata, iyong batang sinundan niya pa dahil iniisip niya na naliligaw, base sa kasuotan ay galing sa maharlikang angkan.

"Alam mo bang mabilis na kumalat ang balita na nawawala ka? Grabeng pag-aalala sa'yo ng mga magulang mo pati ng lolo at lola mo, mabuti na lang itinawag kaagad ng palacio na nakita ka" natatawa pang dugtong nito pero kalaunan ay naging mapait dahil kasunod rin ng araw na iyon ay ang pagtakwil ng mga magulang sa kaniya.

"Ilang beses akong nagpabalik-balik doon para magpasalamat pero hindi na kita nakikita, maliban sa larawan mong nandoon ay wala na, ang palaging sinasabi lang sa akin ay nasa malayo kayo"

"Pasensiya ka na hijo, mukhang hindi inilabas sa pamilyang iyon ang dahilan kung bakit hindi mo ako mahagilap sa palacio. Tinanggalan na nila ako ng karapatan na maging tagapagmana ng trono, at maging sa pagiging principe, at kahit apelyido ay pinagbawalan akong gamitin. Pero ayos lang, masaya naman ako sa pamilyang pinili at binuo ko" nakangiting saad ni Mr. Vargas. Unti-unti namang naintindihan ni Uno ang dahilan kung bakit ni anino ng taong nagligtas sa kaniya ay hindi niya mahagilap. It was a tragic fate, but looking at how happy his savior was, then he must be fine with whatever he have right now.

"Pa, kamukha niya si kuya Dos" bulong ni Kyler sa ama na rinig din naman sa buong hapag-kainan, agad namang sinang-ayunan ng ama, maging si Mrs. Vargas ay ganoon rin. Nang marinig iyon ni Uno ay nahulaan niya kaagad kung sino ang tinutukoy ng mga ito.

"Si Dos po ba? Iyong kaibigan ni Krystal?" paninigurado niya tumango naman ang ina ng dalaga.

"Kapatid ko po 'yon, bago ko nga lang din nalaman na magkaibigan pala silang dalawa" saad niya.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon