Chapter 4

1.6K 36 4
                                        

The younger El Greco's could sense the tension growing inside the VIP room. Ramdam nila ang tensyon mula kay Uno.

"Ehem, ehem" Six and Seven faked a cough na sinundan naman nina Five, Fourth at Third.

Agad naman nakuha ni Dos ang ibig sabihin ng mga baliw na El Greco kaya lang imbis na lumayo siya kay Krystal ay inakbayan n'ya pa ang kaibigan para inisin ang kuya n'ya. Mas lalo namang nainis si Uno sa ginawa ng kapatid na gusto n'yang putulin ang kamay ni Dos na naka-akbay kay Krystal. Krystal on the other hand was oblivious to what Dos was doing. She's used to her bestfriend being flirty na hindi na siya nagulat nang inakbayan siya nito, but this time it feels different. Lalo pa at matiim na nakatingin sa kanila si Gabriel dahilan para baklasin niya ang kamay ng kaibigan sa balikat niya. Wala lang naman sana sa kanya ang akbay nito kahit pa may ibang tao since wala naman silang ginagawang masama, wala namang malisya since what they have is a plain platonic friendship. But the fact that she can feel some murderous glares from a very handsome man in front of them makes her feel conscious. Ang init ng mga tingin nito na para siyang matutunaw, na sa sobrang init ng titig nito ay nais na lamang niyang magtago o 'di kaya ay lamunin ng lupa. Idagdag mo pa ang mapanuksong tingin ng iba pa.

"Ehem" tikhim ni Krystal para basagin ang awkward silence na bumabalot, ay mali siya lang pala ang awkward kasi pawang panunukso lang naman ang ginagawa ng mga baliw na El Greco's at isang mainit na titig mula kay Uno Gabriel.

"Boss alis muna ako ah" paalam niya kay Dos.

"Hmm, mamaya na" Dos replied playfully.

'I just wanna see how much Kuya Uno likes you' Dos thought.

"Oo nga naman miss Krystal, dito ka muna. Sinadya ka pa namang puntahan dito ng isa diyan" tukso pa ni Six na ikinahalakhak naman ng iba pa. Uno let out a growl at those younger El Greco's, to reprimand them from talking further.

"Nahh, I still have works to do, at saka andyan naman si boss para asikasuhin kayo eh" she replied indifferently and then get her way out of the VIP room. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya makakahinga ng maayos sa loob ng VIP room lalo na at naroon ang lalaking mainit ang titig sa kanya. Suminghap siya ng hangin para makahinga siya ng maluwag nang makalabas na, she felt suffocated whenever Uno Gabriel is around. Ang init ng mga titig nito sa kanya na hindi niya kayang tagalan, para siyang mapapaso o di kaya ay matutunaw sa init ng titig nito.

Nang makabawi na ay agad siyang dumiretso sa counter para ipagpatuloy ang trabaho.

Habang sa VIP room naman ay napuno ng tuksuhan at harutan ng mga El Greco ang naganap. The younger El Greco's were teasing Uno lalong lalo na ang mga pinakamakukulit na itlog na sina Six at Third.

"Alam mo kuya, ang ganda pala ng type mo no haha, crush ko na yata s'ya ng slight" Six teases Uno. Sa lahat ng El Greco ay siya ang pinakamakulit, and Third seconded. Sila yung pinakamakulit sa lahi nila, while Five was the most flirt and Uno was the one with most womanizing ways. He was the one with most women crawling under his feet just to have a taste of him.

"Shut up Six, back off" Uno growled.

"Ay hala possessive? Bakit girlfriend mo na kuya?" Third asked playfully.

Hindi nakasagot si Uno, bagkus ay tinapunan niya ng masamang tingin sina Third at Six na tuwang-tuwa naman sa pambubuwesit sa kanya. Natatawa naman ang iba pa sa kilos nila. Dos on the other hand was stunned when he saw the darkness of his brother's glare when Six said he had a little crush on Krystal even in a playful way. He know that Six is just kidding, they know, pero hindi niya akalain na seseryosohin iyon ni Uno.

'Hmm looks like my brother finally had found his match, Zine found hers as well. Ewan ko na lang sa kanilang dalawa kung mag-click sila, pareho pa namang palaban' natawa si Dos sa isiping iyon. Ang isipin pa lamang na magsasagutan ang kuya Uno nya at ang kaibigan niya. Zine is a very fiesty woman while his brother is a hot headed jerk, a dominant one, and obviously Zine is out of his league. Masyadong palaban si Zine at ayaw niyang magmukha s'yang vulnerable. Matigas ang bungo noon eh.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon