Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na ang dalawa sa suite nila. Agad namang sumalubong sa kanila ang malamig na hangin ng lugar kasabay ng magandang tanawin. Mga naggagandahang bundok na minsan ay nababalutan ng nyebe kapag taglamig. The magnificent view of the mountains and the changing color of the sky as the sun sets makes it even more beautiful. So beautiful that she couldn't take her eyes off.
Mula sa likod ay naglalambing na niyakap siya ng binata, pagkatapos ay panaka-nakang pinapatakan ng halik ang balikat niya. She didn't complain about Uno being clingy, she love the feeling actually.
"Ang ganda naman dito" mahinang bulong niya na alam niyang narinig pa rin ng binata.
"Yep, gusto mong lumusong sa tubig?" Aya ng binata sa kaniya. Napatingin naman siya sa malawak at mahabang pool ng hotel. The blue water looks so inviting that she nodded in response.
Napangiti si Uno sa sagot ng dalaga, halata naman sa kislap ng mga mata nito na gustong mag-enjoy sa tubig.
Nakaswimming trunks na naman siya at naka-two piece naman ito na tinapalan lang ng bathrobe sa labas. Nang hubarin ng dalaga ang suot na bathrobe ay lumantad sa kaniya ang magandang hubog ng katawan ng dalaga na nagpabaliw sa kaniya. Mabuti na lang at wala nang iba pang naroroon sa pool maliban sa kanilang dalawa kung hindi ay ibabalik na lang niya sa kwarto nila ang dalaga. Tila nahihipnotismong nilapitan niya ang dalaga, panay ang paglunok habang pinipigil ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang utak. They were not there for his own pleasure, but for his lady. Saka na siya kapag tapos na itong mag-enjoy.
"Tara" mahinang aya ni Krystal sa kaniya na tinanguan naman niya. Inabot ang kamay nito at masuyong hinila palapit sa kaniya.
Dahan-dahan naman silang nagtungo doon sa pool, which was around a hundred meters away from where they stood. Dahan-dahan at maingat ang ginawang paglalakad nila habang nakaalalay sa kaniya ang binata lalo na nang makalapit sa mismong pool. Naunang bumaba sa tubig si Uno bago inalalayan na lumusong sa tubig si Krystal. Kahit pa kaya naman ng dalaga ang sarili ay hindi ito hinayaan ng binata. Maliban sa nag-iingat siya sa kaligtasan ng mag-ina niya ay nais niya ring pagsilbihan ang babaeng bumabaliw sa kaniya.
Agad namang napakislot si Krystal sa lamig na naunuot sa kaniyang kalamnan na dulot ng malamig na hangin at malamig na tubig ng infinity pool ng hotel. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng binata, lalo pa at ilang hakbang lang ang pagitan nila.
"You okay baby?" puno ng pag-aalala na tanong nito sa dalaga.
"Yeah, malamig lang" tugon ni Krystal dahilan para mabawasan ang pag-aalala sa mukha ng binata.
Walang salitang nagtungo siya palapit sa dalaga at saka masuyo itong niyakap. Agad namang binalot ng init ang kaniyang katawan na kanina pa nagliliyab dahil sa mapang-akit na katawan ng dalaga at ang natural na sanghaya nito na lalong nagpasiklab ng kaniyang nag-aalab na damdamin.
Gumanti naman sa yakap si Krystal nang maramdaman ang pamilyar na init ng katawan ng binata. Ang init na nagmumula sa hubad na pang-itaas na katawan ay sapat na upang pawiin ang lamig na naramdaman niya kanina.
"There, better?" Yakap pa rin siya ng binata nang tanungin siya nito.
"Yeah" mahina niyang sagot at lalo pang isiniksik ang katawan dito. He felt like home that she can't help her eyes close and feel his warmth.
Pagkaraan ng ilang sandali ay bumitaw na siya sa pagkakayakap dito at saka inaya na itong lumangoy. Nauna na siya sa binata na lumangoy, agad naman itong sumunod sa kaniya hanggang sa marating nila ang kabilang bahagi ng pool. Nang umahon siya ay nasa harapan na niya ang binata, nauna na pala itong makarating sa bandang dulo. Biglang umihip ang hangin kaya napasiksik siya sa mainit na katawan ng binata. Hindi naman ito nagreklamo, bagkus ay nakangiti pa bago niyakap ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]
Fiksi UmumSPG Uno Gabriel El Greco, a womanizer who instantly wanted Krystal the moment he set his eyes on her. Krystal Hizzine Vargas, a loving daughter of a poor family, a breadwinner. But then she encountered crisis, is she willing to accept the womanizer...