Chapter 28

832 23 2
                                    

Krystal woke up feeling elated. It was one of her favorite view in the morning, waking up next to Uno and feeling his warmth, as his arms draped around her waist. And since Uno is a big man, his chin is just above her head. Not that she was complaining though, she liked it actually. Hindi niya direktang makikita ang gwapong mukha ni Uno sa paggising sa umaga. Instead, his broad and muscled chest, then his manly adams apple.

Isiniksik niya pa ang sarili sa matipunong katawan ng binata at nalanghap ang natural nitong amoy na gustong-gusto niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero ang natural na bango ng binata ay tila paboritong pabango na gusto niyang malanghap. His scent was calming her every nerves, which makes her confused. Dati kasi natataranta siya kapag nalalapit siya sa binata at naaamoy niya ang masarap sa pang-amoy nitong pabango. His scent never failed to make her heart beat fast, so what change?

Ugh. Nevermind. She just shook her head and went closer to Uno, feeling his comfortable warmth spreading all over her senses. It was so comfortable that she didn't realize she was dozing off to dreamland.

Uno woke up feeling refreshed, and remembering that he and his Krystal made up last night makes him happy. Bumababa ang tingin niya nang may maramdamang hininga sa dibdib niya. Napangiti siya nang makita ang magandang mukha ni Krystal na bumungad sa kaniyang umaga. It always feels so good to have her in his arms. Pinagkatitigan niya muna ang dalagang nakaunan pa sa braso niya bago dahan-dahang inalis ang ulo ng dalaga sa braso niya upang ilipat sa unan. Nilagyan pa niya ng unan sa tabi ng dalaga. Nang masigurong ayos na ay saka siya lumabas para magluto ng agahan.

But the thing is, walang kalaman-laman ang kitchen sa suite niya kaya kailangan pa niyang lumabas upang mamili ng ingredients at mga prutas, pati na rin ang mga kakailanganing bagay sa pagluluto. Nang matapos ang pamimili ay agad siyang bumalik sa El Greco empire para maihanda ang agahan nila ni Krystal. Well hindi na pala siya magluluto, bumili na lang siya ng tiramisu at croissant sa store kanina, ang tanging ihahanda lang niya ay ang capuccino for him at hot chocolate for Krystal. Nang matapos maihanda ay inilagay niya iyon sa silver tray pagkatapos ay dinala niya sa kwarto.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bedside table at saka maingat na inilapag ang silver tray doon pagkatapos ay tinungo ang dalagang natutulog pa rin sa kama. As much as he wanted to wake her up for them to have breakfast right after, he don't have the heart to ruin her sleep. Maybe he will just wait for her to wake up. So he just sat beside her and stared at the most beautiful woman he ever met.

Krystal woke up again, for the second time, feeling watched. That feeling when someone was staring at you intently, that is what she felt. Iyong pakiramdam na pinanonood ang bawat galaw mo? Ganoon ang nararamdaman niya. She opened her eyes and found the man who had that set of gorgeous blue eyes staring at her intently. He had that soft but warm smile on his lips while he was watching her get up.

“Good morning baby” nakangiting bati ni Uno sa kaniya, naroon pa rin ang malamlam na tingin kasabay ng pagguhit ng ngiti sa labi. She cleared her throat first before she replied.

“Morning din"

“breakfast?” tumango lang siya rito at saka bumaba sa kama. Hindi naman nagtanong pa si Uno kung saan siya papunta, bagkus ay tinanaw lang siya nito, pinanood ang bawat galaw. She just shook her head and went to the bathroom to wash her face. Pagkatapos ay nagmumog din siya bago bumalik sa kwarto kung saan naroon ang inihandang agahan ni Uno.

“Come here baby" saad ng binata saka tinapik ang espasyo sa tabi nito sa gilid ng kama. Hindi na siya umangal pa at nagtungo sa tabi nito, gusto niya rin naman na maramdaman ang init nito.

Medyo nagulat pa siya nang makitang walang rice at ulam na kadalasang breakfast na nakasanayan niya. Sa mga mata niya, ang mga inihanda ni Uno ay pang meryenda.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon