Chapter 30

1.1K 29 1
                                        

Hindi alam ni Krystal kung saan siya dadalhin ni Uno, nagpatianod lang siya sa paghila nito. Hindi rin naman niya gustong maiwan doon sa silid na iyon kasama ang buong angkan ni Uno. Nakaka-intimidate masyado ang presensiya ng mga iyon kahit na wala pa nga sila sa mismong trono nakaupo, kahit suot lamang nila ay ang magarbong kasuotan ng mga maharlika. She felt so low. She felt like she was nothing compared to them. Na para bang sinasabi sa kaniya, pinapamukha sa kaniya na huwag na niyang pangarapin pa ang kagaya ni Uno, kasi hindi niya deserve maski ang pangarapin man lang ang binata.

However, seeing their fingers interlocked with each other, and feeling how good it felt, she decided to put a fight for what she feels. Uno deserves a woman who will stay by his side, a good woman fit for his kind, and if she's not the one, then she will try to become one. Hindi niya lang alam kung hanggang saan niya kayang ipaglaban ang damdamin, pero hindi siya susuko na lang nang walang ginagawa. If she have to kneel, then she will.

'Well, luhod na luhod na ako kay Uno. Sa ibang paraan nga lang' napakagat-labi si Krystal habang pailing-iling ng kaunti sa kapilyahang naisip.

Tumigil sila sa isang kwarto kung saan may nakatayong royal servants na nasa dalawang hanay ng tigli-limang katao. Yumuko ang mga ito nang makita ang paparating na prinsipe at binigyang daan upang makapasok sa kwarto nitong inihanda nila kani-kanina lang.

Pagpasok nila ay bumungad kay Krystal ang magara at malaking kwarto. May king-sized bed sa gitna, may bedside table kung saan may nakapatong na mga papeles, katabi ng bedside table ay isang book shelf na puno ng samu't-saring libro. And in the space between the bedside table and the bed was the lamp shade, big enough to illuminate the whole room. At the other side of the room, there's a wardrobe befitting a prince of the palace. Then there's a bathroom at the corner. It was so spacious that she feels like Uno's room is even bigger than their home.

"Come on baby, magpahinga ka muna sandali. Maya-maya lang bababa na tayo para kumain" yaya ni Uno kay Krystal na nakatayo pa rin at inililibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto ng binata.

Nang hindi pa rin kumilos ang dalaga ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nito at saka nagtungo sa likuran ng dalaga, pagkatapos ay marahan itong niyapos.

"Baby, may problema ba? Kanina ka pa tahimik" puna ng binata habang nakayapos pa rin sa katawan ng dalaga.

Umiling naman si Krystal bilang tugon dito. Napansin niya pala? Siguro ay dala ng pagod niya sa biyahe kaya siya tahimik. But the main reason is the fact that exploded right in front of her.

"Talaga?" paniniguro pa ng binata. Nilingon niya ito at tumango ulit siya, kapagkuwan ay biglang napalitan ng kung anong kislap ang mga mata ni Uno. Kung kanina ay may pag-aalala ang mga mata nito, ngayon ay may kung anong kislap na batid niyang hindi maganda. Isang kislap na alam na alam niyang magiging kahinaan niya.

"Eh kung akitin kaya kita? I don't mind you being loud and all. Sound proof naman itong kwarto ko eh" dagdag pa nito nang nakangisi.

Sinasabi na nga ba at puro kapilyuhan ang naiisip ng damuho. Pero hindi siya magpapadala sa kapilyuhang iyon, pagod na pagod pa siya at gusto niyang maligo at magpahinga muna.

"Nahh, save those horny thoughts of yours for the next days. I want to take a bath first to freshen up" and with that said, she went right through the bathroom.

She was kinda surprised when she found a complete set of essentials for her and for him in there. Mukhang pinaghandaan talaga ang pagdating nila. May pambabaeng bathrobe rin kasi na nakasabit katabi ng dark blue robe. It was baby blue, and it looked so good in her eyes. She loved the color, aside from it was refreshing, it's her favorite. Parang pagkatapos ang matitingkad na kulay na nakita niya kanina, itong kulay ng bathrobe ang bumalanse ng lahat.

El Greco series 1: Dealing with Mr. Billionaire [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon