BWY 23: This Is It

34 0 0
                                    

Nakita niyang ngiting-ngiti si Rica habang hinahatid siya nito sa labas lara mag-abang ng taxi. Si Lin naman ay hindi pa rin maipinta ang mukha habang nakatingin sa kanya na para bang gusto pa rin siyang pigilan nito sa gusto niyang gawin.

"Oh, Rica, para namang ang saya ng itsura mo na aalis ako at hindi mo na ako makakasama sa bahay?" sita niya pa sa kapatid nang hindi na njya matagalan ang lapad ng ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

"Ang ate, ang OA. Syempre nalulungkot ako na hindi na muna tayo magkakasama."

Tinignan niyang muli ang mukha nito at saka napailing na lang dahil kabaliktaran ng nakikita niya ang sinasabi ng kapatid, at sa halip na isiping malulungkot ito ay mukhang kabaliktaran noon ang nangyayari.

"Huwag kang masyadong masaya, Rica. Araw-araw mo pa ring makikita ang pagmumukha ko, at araw-araw mo pa ring maririnig ang boses ko."

Doon ito biglang sumimangot at saka kumaoit sa braso ni Lin.

"Okay na kami ni Ate Lin dito, huwag ka nang masyadong mag-alala sa akin ate. Kahit wag mo na akong dalawin everyday, I'll understand."

"Edi ang saya mo noon, kaya neknek mo. Huwag mong pasakitin ang ulo ng Ate Lin mo at huwag kang pasaway dito. You still have your curfew at hindi ka pa rin pwedeng magboyfriend kaya ayusin mo buhay mo, Rica."

Biglang napalis ang ngiti ng kapatid niya sa mukha nito nang marinig ang mga sinabi niya. Siya naman ngayon ang lumapad ang pagkakangiti dahil alam niyang wala naman itong ibang magagawa kung hindi ang sumunod sa mga sinabi at bilin niya.

Binalingan ni Luwie si Lin at binilan mukinito tungkol kay Rica na lalo namang ikinasimangot ng huli.

"Ako na ang bahala riyan, basta, mag-iingat ka roon. Tumawag ka kapag kailangan mo ng resbak at inapi ka ng antip-"

Hindi na natuloy pa ni Lin ang sasabihin dahil agad niya itong pinigilan. Nginitian niya ito at saka sinenyasan na huwag nang maingay at baka kung ano pa ang masabi nito sa harapan ng kapatid.

"O basta, pakibantayan maiigi ang isang ito. Huwag mong patatakasin lalo sa sa gabi, sabihan mo ako kaagad kapag nagpasaway 'to sa iyo." Hinawakan ko pa sa braso si Rica bago muling tinignan si Lin upang ituloy ang mga bilin ko.

Tumango naman ang huli, she assures me that she will take care of Rica for me. I know Lin, at napag-usapan na namin ang bagay na iyon bago pa man dumating ang araw na ito.

Dumating ang taxi na inarkila ni Lin lara ihatid ako sa bahay ng antipatikong si Raiyan.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, kanina ko pa rin tinatanong ang sarili ko kung final answer na ba ito pero sa tuwing makikita ko ang life clock na nasa likod ng palad ko ay hindi ko na magawang magdalawang-isip.

Nginitian ko si Lin at saka niyakap si Rica ng mahigpit sa abot ng aking makakaya, dahilan para marinig kong magreklamo ito.

"Ate, ang OA makayakap?" reklamo pa nito pero yumakap din naman.

"Huwag ka nang magreklamo, baka kapag bigla na lang akong nawala mamiss mo ako sige ka ikaw rin." Kunwari ay natatawa pa ako ngunit sa totoo lang ay pinipigilan ko lang ang sarili kong maiyak.

"As if naman iiwan mo ako, baka nga kahit mag-asawa pa ako baka binubungangaan mo pa rin ako. Kaya huwag kang mag-inarte, ate, hindi bagay sa iyo."

Doon ako bumitaw sa pagkakayakap kay Rica at sa ito tinignan. She's smiling at me and that made me realize why am I doing this. Kung bakit titiisin kobg malayo sa kanya saglit.

I need to do this dahil gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal, sila ni Lin.

I don't have much poeple in my life. Wala akong ibang kaibigan pero sapat ng dahilan ang kapatid kong si Rica para piliin kong gawin ang lahat para humaba ang buhay ko, ang oras ko.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon