This chapter is dedicated to ate giahunter21
-----
"What is it?" nagtatakang tanong ni Raiyan matapos niyang makitang bigla na lang pumasok si Sandy sa opisina niya at inilapag ang tatlong binds ng mga manuscript na dala nito sa harap niya.
"Take a look at these, then tell me kung may magugustuhan ka. Baka this time eh may pumasa na sa napakataas na standards mo." malamig na sabi ng dalaga bago umupo sa upuan na nasa tapat lang ng mesa niya.
"I'll check on those later, iwan mo na lang diyan." Sabi niya na hindi man lang inabala ang sarili na tignan ang mga dala ni Sandy at nagpatuloy lang siya sa pagta-type sa laptop niya.
"We need your approval ASAP. Kailangan na natin makausad para matuloy na ang pagpaplano sa production na ito. Nagtatanong na yung mga advertisers pati sina Mr. Lee nagtatanong na rin lung kailan tayo magsisimula?"
"Let them be."
"Let them be? Are you out of your mind? Paano kung magback-out sila sa project na 'to. How are you going to find people na mag-iinvest para dito, sige nga?" Hindi na napigilan pa ni Sandy ang magtaas ng boses at hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya.
Maging ang ekspresiyon nito ay tila ba nagbago at halata roon ang pinipigilang inis para sa kanya.
"I'll use my money. Walang problema sa bagay na iyan."
Imbes na kumalma ay lalo lang itong nainis sa kanya.
"Akala mo kasi lahat gagana kapag ginamitan mo lang pera mo. Akala mo lahat kayang gawan ng paraan ng pera mo." matatalim ang mga tingin na ibinabato sa kanya ni Sandy, tanda na lalo lang itong nainis sa kanya. "Well for your information Mr. Alcantara, it doesn't always work that way. May mga taong maaapektuhan kapag na-delay tayo, kapag na-delay ang production nito." matigas na sabi ni Sandy bago ito tumayo mula sa pagkakaupo.
"Make sure to take a look at those binders and come up with a decision within the day. Huwag mong bitinin ang production na ito dahil lanh sa pagiging picky mo." akmang aalis na ito nang bigla siyang magsalita.
"I'll call you later. I'll check on these first," tumingin siya sa palabas na dalaga at saka muling nagsalita. "Happy?"
Huminto lang ito saglit at saka muling nagpatuloy sa paglakad palabas ng opisina niya. Sa kilos nito ay halatang napikon nga si Sandy sa kanya, bagay na sanay na siyang nangyayari kahit noong bata pa sila.
Si Sandy ang namamahala ng creative team ng iDREAMS para sa production na binubuo nila at pinagtatalunan ng may ilang araw na. Bilang nakakatatanda nitong kapatid ay kilala niya ito at alam niyang kating-kati na ito na gawin ang gusto nitong gawin ngunit wala itong magawa dahil kailangan pa ring siya ang magdesisyon. Bilang presidente ng kompanya ay sa kanya pa rin manggagaling ang huling desisyon at iyon marahil ang kinaiinis nito.
Tuluyan ng nakaalis ang dalaga ng opisina niya, mayamaya pa ay tinignan niya ang mga binds ng manuscript na iniwan nito at isa-isang nakuha ng mga iyon ang atensyon niya. Matapos pahapyawan ng basa ang mga iyon ay kinuha niya ang telepono at tinawagan si Johnson.
Samantalang abala naman si Luwie sa pagtapos ng pinu-proofread niyang manuscript. Natigilan siya habang nagbabasa dahil naisip niyang paano kung gawa na niya ang nasa ganitong proseso. Paano kung sarili na niyang libro ang nakatakdang mai-publish. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang biglang may kung anong pakiramdam na bumangon mula sa sikmura niya patungo sa dibdib niya.
Na-excite siyang bigla.
Kahapon ay naibigay na niya ang mga nauna niyang gawa kay Mr. Go. Kabilang doon ang bagong sinusulat niya. Nakakailang chapters pa lang siya roon at hindi na sana isasama pa dahil hindi pa naman tapos ngunit aksidente itong nakita ng matanda at ipinasama na sa mga titignan nito.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomantikLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...