BWY 2: Raiyan

160 26 191
                                    

"Wala na ba kayong ibibigay sa akin kung hindi basura?" Kasabay ng malakas na boses na iyon ay isa-isang nagliparan ang mga papel sa ere. Halos matigilan ang lahat ng taong naroon at nakasaksi sa ginawa niya. Wala ni isa sa mga iyon ang gustong magsalita, wala ni isang makatingin ng diretso sa kanya.

"Sir Raiyan, kakapasa lang niyan dito ang sabi ireview niyo na lang daw po. Madedelay po ang pagpili-"

"How Am I going to push through with everything in this project if you keep on giving me this kind of shit!" Turo niya sa mga nakakalat na papel sa sahig. Nagsimulang mag-init ang ulo niya dahil sa hindi na niya mabilang na kapalpakang binibigay sa kanya ng mga empleyado niya.

"Sir, yung writer kasi from last time backed-out. Nakailang revisions na daw po kasi siya pero wala ka pa rin daw pong nagugustuhan ni isa. Iyan po," turo ulit naman ni Johnson na secretary niya sa mga paped na nasa paanan na halos nila. "Galing na po iyan sa bagong writer na kinuha ni Ms. Sandy."

"Well tell them to fix everything para hindi tayo magpapaulit-ulit. And for the nth time, Johnson. Tell Sandy to get the right people, hindi 'yong basta-basta na lang pumupulot ng kung sino sa kung saan. Maraming bagay ang nasasayang. Tumatakbo ang oras o baka naman kailangang ako ang kumilos?" Hindi na niya napigilan pa ang magtaas ng boses.

Marahil ay dahil na rin sa takot ng ilang empleyadong naroon ay wala ni isa man ang nagtangkang magsalita.

"Copy that sir," mahinang sagot nito sa kanya. Magsasalita pa si Johnson ngunit hindi na niya hinayaan pang maibuka nito ang bibig dahil mabilis niya na itong tinalikuran. Narinig niyang tinawag nito ang langalan niya ngunit hindi na siya nag-abala pang limingon.

Nagdire-diretso siya ng pasok sa opisina niya at pabagsak na isinarado ang pintuan. He felt his temper beginning to get into his nerves. Pabagsak siyang umupo sa swivel chair na nasa likod ng mesa niya. Kasabay halos ng pag-upo niyang iyon ay ang pagtunog ng telepono na nasa mesa.

Inangat niya ang reciever at itinapat iyon sa tenga niya. Iritable siyang nagsalita ngunit agad rin namang nagbago nang mabosesan ang tumawag.

"Mom," kasabay ng pagbuntong hininga niya ay ang marahang pagtayo ni Raiyan mula sa pagkakaupo. Pinamulsa ang isang kamay at malumanay na nagsalita.

Kung meron mang tao na nakakapagpalambot sa kanya lalo na tuwing nagagalit siya ay wala iyong iba kundi ang mama niya. Hindi katulad kapag kaharap ang mga empleyado niya, nagbabago ng kusa ang mood niya sa tuwing mama na niya ang kausap niya. Ang matapang na pananalita niya kanina ay napalitan ng pagiging malambing na anak matapos na marinig ang boses ng ginang sa kabilang linya.

"Hi, hijo, I heard you've been upset since this morning. Ayos ka lang ba?" Narinig niyang sabi nito sa kanya.

"It's nothing, Mom. It's just that we are running out of time and I don't think Sandy is aware of that. Kapag hindi pa kami nakahanap ng matinong writer para sa project na 'to, malaki ang mawawala sa atin from the advertisers alone." Pagdadahilan niya. Para siyang batang nagsusubong dahil pakiramdam niya ay siya lang itong nagagahol. Pakiramdam niya ay walang nagyayari sa mga pinapagawa niya.

"Hey, don't be too hard on your sister, pati na rin sa mga employees mo and to yourself as well."

"There is no time left to relax, Mom. Wala ng oras and I am afraid na baka magback-out yung mga investors at advertisers kapag nalaman nila na wala pa ring progress ang project na ito."

"Relax, hindi rin naman mareresolba ng init ng ulo mo iyang sinasabi mong problema mo. Isa pa, baka naman masyado mo ng pine-pressure yung mga tao mo so take it easy."

"I just can't take it easy alam mo naman yan, Mom."

"Have you tried everything?" Narinig niyang muling tanong ng ginang.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon