BWY: My last 100 days.

750 34 180
                                    

ISANG daang araw...

Malinaw ang nababasa niya, ang mga numerong nakikita niya. Pagkatapos ng isang daang araw, maglalaho siya kasabay ng mga ala-ala na meron siya, kasabay ng mga bagay na may kinalaman sa kanya. Makakalimutan ng mga tao sa paligid niya na nabuhay siya at magiging bahagi na lang siya ng mga nakaraan at ng mga ala-ala nila.

"Kakayanin mo ba?" Narinig niyang sabi ng isang tinig.

Nakatayo siya sa isang madilim na silid at walang ibang nakikita kundi ang mga numerong nagsasabing isang daang araw na nasa harapan niya, para itong isang malaking monitor ng TV na nakabungad sa kanya at sa ilalim noon ay nakasulat ang pangalan niya.

"May pagpipilian ba ako?" Pabalik na tanong niya rito. Hindi niya masiguro kung saan nagmumula ang tinig na kumakausap sa kanya at hindi niya alam kung saang parte ng silid lilingon. Minabuti niyang manatiling nakatingin na lamang sa mga numerong nasa harapan niya, maging ang pangalan niyang nasa ilalim nito ay tinitigan rin niya.

Muli niyang narinig na nagsalita ang tinig na narinig niya kanina. "Wala ka namang ibang pagpipilian kundi ang harapin kung ano ang itinadhana sa iyo. Kung ano ang nakatadhana at nakaukit sa kapalaran mo."

"Paano kung may magagawa ako?"

"Pwede mong subukan ang kahit ano, pero walang kasiguraduhang mapipigilan mo kung ano man ang nakatakdang mangyari sa 'yo."

"Kailangan kong subukan."

"Gawin mo, pero maliit ang tsansa na magtatagumpay ka at kapag hindi mo nagawang baliin ang nakatadhana, mawawala kang malungkot at bigo. Masasayang ang lahat ng pagod mo, mapupunta sa wala ang lahat ng gagawin mo. Kaya kung ako sa iyo, mas maaga kang susuko ay mas maaga mong matatanggap na hanggang dito na lang ang lahat."

Wala nang nagawa pa si Luwie kundi ang ikuyom ang mga palad niya dahil sa mga narinig niya. Kasabay noon ay ang unti-unting pagbangon ng kakaibang pakiramdam sa dibdib niya, sa kaloob-looban niya.

Paano siya mabubuhay ngayong alam niyang may isang daang araw na lang siya? Paano niya sasabihin sa kapatid niya na pagkatapos ng isang daang araw ay mawawala na siya? Nagsimulang mapuno ng luha ang mga mata niya, ang daming tumatakbo sa isip niya at ang kaninang mga namumuong luha ay nagsimulang mag-unahang maglandas sa mga pisnge niya.

"P-paano kung ayaw kong sundin ang nakatadhana sa akin? Paano kung susubukan kong saliwain ang nakatakda. Mabubuhay ba ako ng mas matagal?" Halos mahinang sabi ni Luwie habang pinupunasan ang mga luha gamit ang likod ng mga palad niya.

"Tignan mo ang oras, sa tingin mo ba makakagawa ka pa ng paraan para salungatin ang nakatadhana sa 'yo sa loob ng mga nalalabi mong araw?" Tila nanunubok ang tanong nito at kahit hindi niya maintindihan ay tila ba sa tono nito ay tiyak siyang sinusubukan nito kung hanggang saan ang determinasyon niya.

Kung hanggang saan niya paninindigan na salungatin ang nakatakdang mangyari sa kanya. Kung mapapahaba pa niya ang oras niya.

Nagsimulang magbago ang mga numerong nasa harapan niya, ang kaninang buong isang daang araw ay napalitan ng siyamnapu't siyam na araw, dalampu't tatlong oras, limampu't siyam na minuto at limampu't siyam na segundo. Nagpatuloy pa sa pagbawas ang segundo na nakikita niya sa monitor at abang tinitignan niya itong maigi ay pabawas ito ng pabawas.

"Nagsimula na ang pag-andar ng mga nalalabing oras mo, Luwie."

"Sandali, i-itigil mo mun-"

"Hundi titigil ang oras dahil lang ginusto mo, kailangan mong alamin kung ano ang makakapagpatigil dito, kung ano ang makakapagpabago ng kapalaran mo. Isang daang araw, Luwie. Ano ngayon ang gagagwin mo?"

"S-sandali lang!"

"Sandali lang!"

Kasabay ng mga salitang iyon ay ang pagbalikwas niya ng bangon mula sa pagkakayupyop sa mesa niya. Nagdulot ng komosyon ang ingay ng ginawa niya at nakita niyang halos pagtinginan siya ng lahat ng mga taong nasa paligid niya.

"Luwie, ayos ka lang ba?" Maya-maya pa ay tanong sa kanya ni Lin kasabay ng mararahang pagtapik nito sa balikat niya, katabi niya lang ito ng mesa dahilan kaya madali siya nitong nalapitan upang alamamin ang nangyayari sa kanya.

P-panaginip, n-nananaginip lang ako kanina. Sabi niya sa sarili niya. Hindi niya pinansin si Lin at sa halip ay mabilis niyang inilibot ang paningin niya sa paligid.

Lalo naman iyong ipinagtaka ni Lin at ng mga taong nasa paligid niya. Marahil ay nawiwirduhan ang mga ito sa ikinikilos niya ngunit hindi niya na iyon pinansin pa,hindi iyon ang concern niya.

"Luwie!" Natigil siya sa paglinga-linga nang piitin siya ni Lin at hawakan siya nito sa braso. Kasabay ng isang nagtatakang tingin ay ang mariin nitong pagpisil sa kamay niya na hindi niya namalayang hawak na pala nito. "Ayos ka lang ba?"

"H-huh?"

"Kanina pa kita kinakausap, tignan mo nga at pinagtitinginan ka na ng lahat. Ano bang nangyayari sa 'yo? May sakit ka ba? May masakit ba sa iyo?"

"M-masakit?" Doon lang siya para bang natauhan. Inisip niyang mabuti ang sinabi ni Lin sa kanya. Habang para bang tulala pa rin ay wala sa loob na bumalik siya sa kinauupuan niya kanina, hindi siya sigurado sa kung ano ang nangyayari. Kung alin doon ang panaginip at ang totoo. "A-ano bang nangyari, Lin?"

"Nakayuyop ka lang naman kanina, alam naming pagod ka kaya hindi ka na namin inabala. Tapos bigla ka naming narinig na sumisigaw. Nabulahaw na ang buong opisina sa lakas ng sigaw mo, ano bang nagyayari sa 'yo? Sigurado bang magaling ka na talaga at wala ng masakit sa iyo?"

Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid, hindi na nakatingin ng mga tao sa kanya at nagpatuloy na ang mga ito sa ginagawa na para bang walang nangyari.

Si Lin lang ang bukod tanging nakakausap niya sa opisina nila. Maliban kasi rito ay wala na siyang ibang sinasamahan pa. Hindi niya masiguro kung inaayawan siya ng mga ito o kung siya mismo ang may ayaw makihalubilo sa kanila. Ngunit para sa kanya, Si Lin lang ay ayos na at hindi na niya kailangan pang makisama sa iba.

May mga pagkakataong madalas ay mag-isa lang siya lalo na kapag wala si Lin sa opisina. Na para bang may sarili siyang mundo at walang ibang iniintindi kundi ang sarili niya at ang kapatid niyang si Rica. Ganoon ang personalidad niya, minsan pa nga ay hindi siya magsasalita hanggat hindi kakausapin.

Nasanay na siyang ganon, kinalakihan na niya ang ganoon, maliban kina Lin at Rica ay wala na siyang nakakasama pa at hindi siya nakikihalubilo sa iba.

"Isang daang araw."

"Isang daang araw?" Nagtatakang sambit ni Lin sa sinabi niya.

----- ❤

#BeWithYou
#Last100Days

jhieramos
061418

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon