This cahpter is dedicated to cedengly.
-----
"Talaga bang seryoso ka na pumunta sa iDREAMS?"
Natigilan si Luwie sa pagsisintas ng sapatos niya nang marinig ang tanong na iyon ni Lin, naka-loud speaker ang cellphone niya habang abala siyang nag-aasikaso ng pagpunta sa iDREAMS. Para iyon sa isunubmit ni Mr. Go na manuscript niya, bukod doon ay nakatanggap rin siya ng isang text message mula sa pamunuan ng production na nag-iimbita sa kanya para magpunta sa opisina ng mga ito.
Maaga pa lang ay gising na siya o baka mas tamang sabihin na hindi siya nakatulog, buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa magkahalong excitement at kaba na nararamdaman niya. Alam niyang wala pa ring kasiguraduhan ang lahat pero gusto pa rin niyang maging positibo. Gusto niyang isipin na may kqhihinatnan ang lahat ng mga pinaghihirapan at pinagdaanan niya noon.
"Hindi pa naman huli para umatras."
"Wala ng atrasan 'to, Lin. Imbes na pahinain mo ang loob ko eh suportahan mo na lang kaya ako."
"Hoy Luwella Sta Maria, naniniwala naman ako na magaling ka at nasa iyo naman ang lahat ng suporta ko. Iniisip ko lang kasi iyong mga naririnig ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko diyan sa papasukin mo. I have a feeling na hindi iyan magandang ideya." Mahabang litanya ni Lin sa kanya sa kabilang linya.
"Hindi naman siguro siya ganoon kasama, at saka malay mo naman hindi siya kasama sa meeting mamaya. Ayos lang ako, wag ka ng mag-alala." Paniniguro niya pa kay Lin.
Kilala niya ito, hindi sila lumaki ni Rica na kasama ang mama niya pero pakiramdam niya ay masahol pa dito si Lin kung nagkataon. Kung hindi lang sila magka-edad ay iisipin niya na matandang babae ang nagpapa-alala at nagsasalita sa kanya na papasa ng nanay niya.
Nakarinig siya ng malalim na buntong- hininga mula sa kabilang linya, tanda iyon na wala na siyang maririnig na pagprotesta pa mula sa kaibigan.
Nagpaalam siya kay Lin na aalis na siya at baka mahuhuli pa siya sa meeting niya sa iDREAMS. Bago nito ibaba ang telepono ay muli siya nitong pinaalalahanan at natatawa na lang niya itong sinang-ayunan para hindi na humaba ang usapan.
Pababa na siya ng hagdanan nang mabungaran niya si Rica siyang namang paakyat. Tinignan siya nito habang napahinto pa ito sa paglalakad para pagkaabalahang sipatin siya.
Marahil ay napansin nitong bihis na bihis siya at nakamake-up pa nang makita siya nito at iyon marahil ang dahilan kaya nagtatakha itong nakatitig pa rin sa kanya.
Tapos ay lalong nanlaki ang mga mata nito nang mapansin ang suot niyang damit. Otomatikong itinuro nito ang damit na suot niya bago ito nagsalita.
"Ate!" Hinarangan pa ni Rica ang dadaanan niya para pigilan siyang maglakad. "Ano iyang suot mong damit? Saan mo nakuha iyan?"
"Nagmamadali ako Rica, mamaya na lang tayo mag-usap, pwede ba?"
"Saglit lang, damit ko ba iyang suot mo?" Kunot-noong tanong nito sa kanya.
"Mamaya na lang." Sabi niyang muli rito at akmang magpapatuloy na sana siya ng pagbaba ng hagdanan ngunit hindi siya nito pinayagang makaalis at muli siyang pinigilan.
"Isusuot ko 'yan mamaya. Lalabas kami nila Ingrid, magpalit ka doon." Mataray na sabi nito sa kanya.
"Mamaya na sabi, Rica."
"Saglit lang sabi! Hubar-"
Hindi na naituloy pa ni Rica ang sasabihin nito nang maglabas siya ng pera at iniabot iyon sa kapatid. Tinignan nito iyon at doon na siya nakakuha ng pagkakataon upang lagpasan ito at tuluyan ng makababa.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomansaLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...