"Mukhang nagkamali ako." sunod-sunod na inilapag ni Raiyan ang mga binds ng manuscript mesang nasa harapan niya.
Nakita niyang napatingin sa kanya sina Johnson at Sandy na halatang nabigla sa ikinilos niya. Maging ang tatlong babaeng nasa harapan niya ay ganon din ang naging reaksiyon at itsura habang nagsasalita siya lalo na ang babaeng nasa pagitan noong dalawa. Her eyes are looking straight into his at ramdam niya ang mga titig nito.
He is Raiyan Luis Alcantra, he will not settle for anything less than perfect at kahit pa magalit sa kanya si Sandy ay hindi siya papayag na basta-basta lang ang mapili nila para sa project ng iDREAMS.
"What are you saying right now, Raiyan?" Buong pagtatakhang tanong ni Sandy sa kanya.
Nakita niyang nakakunot na ang noo ng dalaga tanda na naguguluhan ito sa mga nangyayari at sa mga sinasabi niya.
"I'm sorry but I don't think these stories suits what we are looking for." muling pahayag ni Raiyan na siya namang lalong nagpakunot sa noo ni Sandy at ng tatlong babaeng kaharap nila.
Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkalito dahil sa mga sinasabi at halatang humihingi ng paliwanag ang reaksyon ng bawat isa.
"Wait," pagpigil nito sa kanya.
Tumayo pa ito sa kinauupuan nitong swivel chair at agad siyang hinarap habang diretso siyang tinitiganan nito.
Tahimik naman siyang pinagmasdan ng tatlong babaeng nasa harapan nila ni Sandy at Johnson. Agad na rumehistro ang pagkalito sa mukha ng mga ito na hindi naman nakaligtas sa mga mata niya.
Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyang hawak ng kapatid niya ang isang braso niya habang hindi naman nito inaalis ang diretso at matalim nitong tingin sa kanya, na kung nakakapanakit man ang mga tingin nito ay malamang na kanina pa siya nakabulagta sa sahig.
"Saglit lang," sabad naman ng isang babaeng nakaupo sa harapan nila. At tulad ng ginagawa ng kapatid niya na may hawak na kasalukuyan sa braso niya ay tinignan din siya nito ng diretso. "Pwede bang ipaliwanag ninyo ng maayos kung bakit wala kayong pipiliin sa gawa naming tatlo." mahinahon ngunit matigas na sabi nito sa pagitan ng mga matatalim na tingin sa kanya.
Naramdaman niyang binitiwan ni Sandy ang braso niya, napatingin na rin ito sa babaeng bigla na lang nagsalita sa harapan nila. Tuluyan nang napako ang atensiyon nito sa babaeng walang takot na pumagitan sa kanila.
"Are you questioning me?"
"Hindi," walang nagbago sa klase ng mga tinging ibinabato nito sa kanya, maging ang klase ng pagsasalita nito ay wala man lang mababakas na pag-aalinlangan. "Ano namang karapatan ko o naming tatlo na kwestiyonin ang desisyon mo? Wala ako sa posisyon para gawin iyon pero sa tingin ko ay karapatan naming malaman kung bakit wala kang nagustuhan sa mga gawa namin, gayong pinapunta niyo kaming lahat dito."
Saglit pang tinignan ni Raiyan ang babae, binabasa niyang maigi ang ekspresiyon ng mukha nito na halatang nagpipigil rin ng inis sa kanya. Maya-maya pa ay nagsimula siyang kumilos upang maglakad patungo sa kinatatayuan ng babae. Hindi niya pinuputol ang mga tingin na ibinibigay niya rito habang ito naman ay ganoon rin ang ginagawa, animo'y nagsusukatan sila ng tingin sa isa't-isa.
"Have you read this crap?" iniangat niya papel na hawak niya, summary iyon ng tatlong bind na nasa mesa niya kanina at itinapat iyon mukha ng babaeng kaharap.
"Crap?" may himig na ng pagkainis ang boses nito na halatang nainis sa huling sinabi niya, hindi na nakaligtas sa mga mata niya ang suot nitong visitor's pass kung saan naroon ang pangalan nito.
Luwie Sta Maria
Umangat ulit ang tingin niya mula sa visitor's pass nito patungo sa mukha ng dalaga. Kung gaano kaseryoso at katalim ang mga tingin na ibinabato niya rito ay ganoon rin ang iginaganti nito sa kanya, bagay na noon lang niya nakita dahil kahit minsan ay wala pa siyang nakilalang sumalungat sa kanya.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomanceLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...
