BWY 12: What If?

55 5 17
                                    

Huminto...

Nakita niyang huminto ang lifeclock niya pagkahawak niya kay Raiyan, nakita iyon ng dalawa niyang mga mata.

Pero ang tanong ay kung bakit at paano?

Marami ang naging tanong sa utak niya matapos ang pangyayaring iyon, ngunit kahit anong isip ang gawin niya ay wala siyang kahit na isang sagot na mahagilap. Misteryo na para sa kanya ang pagkakaroon ng kakayahang makita ang life clock niya, ngayon ay nadagdagan pa lalo ang isipin niya matapos itong himinto nang hawakan niya si Raiyan.

Tinignan niyang muli ang mga numerong nasa likod ng kanang palad niya. Nagsimula na namang umandar iyon at mabawasan.

Para siyang mababaliw, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Wala siyang ideya kung oaanong nangyayari ang lahat ng iyon sa kanya.

"Luwie,"

Wala sa sariling napalingon siya sa direksyon ng taong tumawag da pangalan niya. Nakita niya roon si Lin na may hawak na dalawang tasa ng kape habang naglalakad na papalapit sa kanya.

Kanina pa siya nakabalik sa opisina nila galing sa iDREAMS at kanina pa okupado ang isipan niya ng mga pangyayaring kahit siya ay hindi niya maipaliwanag.

Tinignan niya si Lin hanggang sa makaupo ito sa upuang nasa tapat ng mesa niya, inilapag nito ang isang tasa ng kape sa harapan niya habang ininom naman nito ang isa. Nanatili siyang nakatotog rito hanggang sa napansin niya pumipitik ang daliri ng kaibigan sa tapat ng muka niya.

"Anong nangyayari sa 'yo? High ka ba? Kanina ka pa dumating pero pakiramdam ko ay wala rito sa opisina ang buong presensiya mo, may nangyari ba?" nagtatakhang tanong nito sa kanya.

Tinitigan niya si Lin at saka hinawakan ang kamay nito pagkatapos. Muntik pang matapos ang laman ng tasa na hawak nito dahilan para biglang nitong mapalis ang kamay niya. Inilapag ni Lin ang tasa ng kape at saka ulit siya tinignan, katulad ng ginawa niya kanina ay muli niyang hinagilap ang kamay ng kaibigan at mahigpit na hinawakan iyon. Napatitig siyang muling bigla sa likuran ng kanang palad niya at nakita roon ang patuloy na pagbawas ng oras niya, napansin niyang tinitigan rin iyon ni Lin tapos ay tinawag muli nito ang pangalan niya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Luwella? Kinakabahan na ako sa mga ikinikilos mo, ayos ka lang ba?"

"Life clock,"

"Life clock?" ulit nito sa sinabi niya.

Tumango siya bilang tugon ngunit sa halio na malinawan ay kabaliktaran lamang noon ang nangyari, nakota niya ang pagkunot ng noo ng kaibigan na halatang nalilito na sa sinasabi niya.

"Huminto ang life clock ko, Lin."

"Susmaryosep!" bulalas ng kaibigan niya kasabay ng biglang pagpalus muli nito sa kamay niya. Tapos ay nang tila makuha ang sinasabi niya ay wala sa sariling napatayo ito bago muling nagtanong. "H-huminto ang l-life clock mo? P-papaanong huminto?"

"Hindi ko rin alam lung paano, pero si... si Raiyan. Sigurado akong huminto iyon nang hawakan ko siya. "

"Raiyan? 'Yong supladong si Raiyan Alcantara ng iDREAMS?"

Tango lamang ang isinagot niya kay Lin, sinenyasan niya rin ang kaibigan na babaan ang boses nito dahil baka may makarinig sa kanila. Sa ikalawang pagkakataon ay muli soyang tinanong ni Lin upang kumpurmahing tama ang dinig nito sa mga sinabi niya.

"Imposible, pero kung totoong napahinto nga niya ang life clock mo ay isa lang ang ibig sabihin." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Lin sa kanya.

May solusyon na ang problema niya, iyon ang ibig sabihin ni Lin at mahirap man paniwalaan pero mukhang tama ito. Pwedeng magkaroon ng solusyon ang problema niya at wala iyong ibang pangalan kung hindi Raiyan Alcantara.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon