BWY 1: Luwie

333 30 221
                                    

"Ate! Malelate na ako, nasaan na yung baon ko?" Nakarinig si Luwie ng ilang malalakas na katok mula sa pintuan ng silid niya.

Dinig rin niya ang malakas pagtawag sa kanya ni Rica na para bang inip na inip na ito dahil sa hindi niya pagpansin sa ilang ulit na pagbulabog nito sa kanya.

"Ate!"

Malinaw niyang naririnig ang pagtawag ni Rica ngunit nanatili lang siyang nakahiga sa kama. At nang hindi na niya matagalan ang lakas ng boses nito, sa ikatlong pagtawag nito sa pangalan niya ay doon na siya napilitang tumayo mula sa pagkakahiga. Tinignan niya mula sa bedside table niya ang isang maliit na orasan na nakapatong doon at nakitang mag-aalas-otso na ng umaga.

Bigla siyang napamulagat at mabilis na tinungo ang pinto ng silid niya upang buksan iyon. Bumulaga sa kanya ang mukha ng kapatid na halatang malapit ng maubusan ng pasensya dahil sa tagal niyang bumangon. Kunwari ay nag- galit-galitan siya upang kahit papano ay mapagtakpan ang sarili dahil sa malamang ay magtalo nanaman sila kung hindi niya gagawin iyon.

Mabilis namang inilahad ni Rica ang isang palad nito sa harapan ng mukha niya bago sumimangot. Hindi dito nagsalita at sa halip at iminuwestra na bilisan niya ang pag-abot ng pera rito. Tinignan lang niya ang kapatid na siya namang lalong kinaasar nito.

"Ate naman!"

"Oo na, oo na! Makapagmadali ka naman, ang aga-aga pa."

"Maaga? Ate! Ikaw na lang sa buong compound natin ang tulog pa ng ganitong oras, namaos na yung tandang ng kapitbahay natin kakatilaok, hindi ka pa rin bumabangon. Kung hindi pa kita ginising, malamang hanggang ngayon nakahilata ka pa diyan. Wala ka bang pasok?"

"Nakaleave ako."

"Nakaleave? Noong isang linggo ka pa nakaleave ah. May sasahurin ka pa ba?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Kasabay noon ay ang mapanuring tingin ni Rica sa kanya na para bang sinisigurado kung ano ang isasagot niya.

"Nakaleave nga ako at may sasahurin pa ako kaya huwag kang mag-alala. Teka, kelan nga pala yung sinasabi mong general assembly para sa mga guardians doon sa school niyo?"

"Sa isang araw pa iyon." Sagot ni Rica sa kanya.  Tsaka nito muling naalala ang paghingi nito ng baon sa kanya kanina. "Nasaan na iyong baon ko, tanghali na male-late na ako."

Bumunot siya ng pera mula sa bulsa ng pantalong suot niya at iniabot iyon sa nakababatang kapatid, mabilis nitong kinuha ang perang inabot niya at saka nagmamadaling tinungo ang hagdanan. Sa isang iglap ay mabilis na nawala sa paningin niya si Rica. Pagka-abot niya ng pera rito ay mabilis pa sa alas-kwatro itong nawala sa paningin niya.

Papasok na sanang muli si Luwie sa silid niya nang mapansin niya ang sarili, napahinto pa siya sa paglakad ng mapansing hindi na pala siya nakapagpalit ng damit kagabi. Iyon pa rin ang kaparehong pantalon at t-shirt na suot niya kahapon noong lumabas siya upang makipagkita kay Lin. Hindi na niya nagawa pang magbihis pagkauwi niya kaninang madaling araw galing sa Bar na pinuntahan nila ng mga kasama nila sa trabaho.

Simula ng malaman niya ang tungkol sa nalalabing araw niya ay ipinangako niya sa sarili niya na gagawin na niya ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa noon at kasama roon ang pakikihalubilo sa iba at ang lumabas sa comfort zone niya. Sinusubukan niya ng yakapin ang ideyang kailangan niyang makisalamuha sa iba at kailangan niyang sulitin ang maari ay mga nalalabing mga araw niya.

Maya-maya pa ay natigil ang pag-iisip niya ng may marinig niyang may mga yabag na paakyat muli ng hagdanan at papalapit sa direksyon niya, bumaling siya paharap at nakitang muling papalapit sa kinaroroonan niya si Rica. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya hanggang sa makalapit muli sa kanya.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon