Hindi na niya ikinagulat pa nang maabutan niyang katabi ni Mr. Go sa upuan si Raiyan, nagkukwentuhan ang mga ito nang dumating sila ni Lin sa venue sinabi nito na pagdarausan ng team dinner nila.
"Oh girl, parang hindi ka naman na nagulat. Prepared ka ba at nag-expect na si Mr. Pogi ang makakasama natin?" pabulong siyang kinausap ni Lin matapos siya nitong yayain na umupo.
Otomatikong umaliwalas naman ang mukha ni Mr. Go nang makita sila habang nanatili namang blangko ang ekspresyon sa mukha ni Raiyan. Umiwas siya ng tingin rito kahit pa halos magkatapatan lang sila. Sa halip ay inabala niya ang sarili sa kunwari ay pagkausap sa mga kasama nilang nauna sa kanila at nag-uunpisa na.
"Ang tagal niyo naman? Kanina pa namin kayo hinihintay." sita sa kanila ni Shari na katabi ni Lin sa upuan.
"Hinintay ko pang magising si sleeping beauty, ang tagal eh. Mukhang nananaginip pa." sabi ni Lin sabay titig sa kanya.
"Edi sana nauna ka na,bakit hinintay mo pa ako." angil niya rito matapos marinig ang sinabi nito sa kanya.
"Kasi po kapag hindi kita hinintay eh sigurado akong hindi ka naman susunod. Sigurista kaya ako, isa pa ikaw kaya ang kailangan rito." nangingiti pang sabi nito sabay tingin sa lalakeng nasa harapan niya.
Pasimple niya itong tinapunan ng tingin na mabilis rin naman niyang binawi nang maramdaman niyang babaling ito ng tingin sa gawi niya. Kahit abala ito sa pakikipag-usap kay Mr. Go ay hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang ilang beses nitong pagtingin sa direksyon niya.
"Hijo," mayamaya pa'y kinuha ni Mr. Go ang atensyon ng katabi. Tumingin naman ito kaagad sa matanda at saka tipid na ngumiti. "Ikaw na ang bahala sa bagong alaga namin ha, huwag mo siyang masyadong pahirapan and please be nice to her."
Tango lang ang isinagot ni Raiyan sa matanda habang nagsasalita si Mr. Go sa tabi nito. Halatang pinamulahan ito ng mukha nguniabilis rin nakabawi. Sinalinan naman ni Mr. Go ng beer sa baso nito at saka iniabot sa lalake bago inutusan ang lahat na ganoon rin ang gawin.
"I am nice to her, Uncle. I should be the one asking her to be nice to me and do as I say." sabi pa nito sabay tingin ng diretso sa gawi niya.
"Are you giving him a hard time, Luwie?"
Mariin niyang itinanggi ang mga sinabi ni Raiyan at matalim na tinignan ito. Muli diyang bumaling sa matanda upang siguruhin ditong walang katotohanan ang sinasabi ng lalake at saka mabilis na ininom ang beer na nasa basong hawak niya.
"Hoy, lasenggera lang? Makatungga ka, kararating lang natin uy!" mabilis siyang sinaway ni Lin ngunit huli na ito dahil ubos na ang laman ng baso niya.
Lumalalim na ang gabi at nauna nang magpaalam si Mr. Go. Naiwan na lamang ang ilang empleyado ng pub house nila, si Lin, si Shari, siya at si Raiyan na tahimik pa ting umiinom at nakaupo lang sa harapan niya.
Nakailang baso na rin siya ng beer at ramdam na niya ang epekto noon sa kanya. Tumayo siya upang magpunta ng banyo. Noong una ay sinaway pa siya ni Lin ngunit hindi na niya ito pinakinggan, nagtuloy siya sa paglakad hanggang sa marating ang kinaroroonan ng CR.
Pagdating niya sa pintuan noon ay naroon at mukhang nag-aabang naman sa men's CR si Raiyan, nakita niyang tinignan siya nito at pero saglit lang iyon at nakita niyang nagbaling ito ng tingin paiwas sa kanya.
Suplado, pinaglihi siguro to sa sobra-sobrang sama ng loob. Bulong niya pa sa sarili, may tao sa loob ng CR na pambabae kaya wala rin siyang choice kung hindi ang maghintay.
Mayamaya pa ay may tatlong babae ang lumapit sa kanila, akay akay ng mga ito ang isang babae na halos masuka-suka na sa kalasingan at dahil di magkandaugaga ang mga ito sa pag-alalay sa kasama ay hindi napansin ng mga ito na nasa gilid siya dahilan upang mabangga siya noong isa. Siya rin ay medyo hilo na at umiikot na ang paligod kaya naman hindi niya agad nabawi ang balanse at akmang matutumba.
Kung hindi lang sa maagap na pagsalo at pag-alalay ni Raiyan sa kanya ay malamang na sa sahig na siya pupulutin.
"Hey, be careful." Narinig niya saway ni Raiyan.
Sa pag-aakalang para sa kanya iyon ay agad siyang humingi ng pasensiya.
"Sorry,"
"I'm not talking to you, I am talking to them." Bulong naman nito sa kanya nang marinig ang paghingi niya ng paumanhin.
"Ah,"
Tinignan sila ng dalawang babae na umaalalay sa isa pa at saka humingi ng pasensiya, sa huli ay pinauna na niya ito at naiwan silang dalawa, hawak pa rin siya ni Raiyan sa kamay at nang ma-realize nito iyon ay agad siya nitong binitiwan.
"T-thank you." Iyon lang ang tanging nasabi niya. Lumayo siya ng bahagya at naghintay sa tabi ng pinto ng CR para sa oras nitang makagamit nito, wala sa loob na napatingin din siya sa life clock niya at nakitang huminto na naman ito sa pag-andar.
He looks at Raiyan, nag-iwas na ito ng tingin sa kanya pero hindi pa rin ito umaalis doon dahilan para hindi rin umandar ang orasan na nasa likuran ng palad niya.
It was Raiyan's turn to use the bathroom, hindi siya nito tinapunan ng tingin at mabilis na pumasok sa CR nang hindi nagpapaalam sa kanya, at ang mawala ito sa harapan niya ay nagsimula ring umandar ang life clock niyang iyon.
Pirming nakatitig lang si Luwie sa kamay niya habang nakatayo pa rin sa labas ng pintuan ng CR, kung anu-ano na ang naiisip niya at tumatakbo sa utak niya nang mga sandaling iyon. At ngayon ay isang plano ang nabuo sa kanya.
Planong pwedeng magpahaba ng buhay niya ng higit pa sa isang daang araw at isa pang pagkakataon para makasama ang kapatid niya at ang mga mahal niya sa buhay.
She has to do it, kailangan niyang maisakatuparan ang plano niyang iyon para mapahaba ang buhay niya at magawa ang mga bagay na gusto pa niyang gawin.
Kaya mo iyan, Luwie.
Kakayanin mo dahil wala kang ibang pagpipilian.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomanceLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...