This chapter is dedicated to simplyfanatic
-----
"Sigurado ka na ba diyan sa gusto mong gawin?"
Napukaw ang lahat ng isipin ni Luwie nang marinig niyang magsalita si Lin na noon ay nasa tabi lamang niya. Kasalukuyan silang nasa Employees' Cafeteria ng publishing company pinapasukan nilang dalawa at nanananghalian nang bigla itong magsalita. Marahil ay tinutukoy nito ang nasabi niyang planong pagreresign noong nakaraan.
May dalawang taon na rin mula ng matanggap silang dalawa ni Lin sa pinapasukang publishing company bilang proofreader at sa paglipas ng panahon ay natutunan na niya ang pasikot-sikot dito hanggang sa pareho silang maging editor dito.
Kadalasan ay sa kanila binibigay ang mga manuscript na pinapadala sa publishing company nila, sila ang nagche-check at nagtatama kung may mali man sa spelling, grammar, punctuation o sa formatting. Sa kanila rin muna napupunta ang mga manuscript na ipinadadala sa publishing company nila bago ito tuluyan o kung dapat ba itong mapublish.
Masaya naman si Luwie sa trabaho niya at ramdam niya iyon pero simula nang magsimula siyang makita ang lifeclock niya sa nalalabing mga araw niya ay napagdesisyunan niyang kailangan niyang magawa ang lahat ng gusto niya at kabilang na roon ang pangarap niya na makapagsulat.
Halos buong buhay niya simula ng magtrabaho siya ay nagugol niya na sa pagtatama ng mga mali ng iba, bukod sa pinagtatrabahuhan nila ni Lin ngayon ay ganoon rin ang naging takbo ng buhay niya sa mga nakaraang trabaho niya. Wala naman sanang kaso iyon ngunit iba na ang sitwasyon niya ngayon. Kailangan niyang kumilos dahil alam niyang kaunti na lang ang oras na meron siya.
"Ano bang nangyayari sa 'yo Luwie?" Muli niyang narinig na tanong ni Lin.
"Wala naman, Lin." Sinubukan niyang maging normal ang tunog ng boses niya. Hindi pa siya nakakapagsinungaking kay Lin kahit kailan at halos lahat ng nangyayari sa kanya ay alam nito. Marahil ay kung may ibang nakakakilala sa kaniya bukod sa kapatid niya ay wala itong iba kung hindi ang kaibigan niyang si Lin. "Wala talaga, gusto ko lang magsulat. Matagal ko ng gustong gawin ang bagay na iyon. Sa tingin ko naman ay sapat na ang nalalaman ko at naging experience ko sa mga naging trabaho ko noon at dito kaya gusto ko lang subukan."
"Pabigla-bigla ka kasi ng desisyon, hindi ka naman ganyan you're not the type that would go on skmething without thinking of it first kaya nagulat akong may ganyan kang plano."
Mapait siyang napangiti, naisip niya ang sinabi ni Lin.
Bakit nga ba ngayon lang niya naisip ang bagay na iyon?
Bakit ba ngayon lang kung kailan kaunting oras na lang ang meron siya?
Bakit kailangang sa kanya mangyari ang bagay na iyon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos na matandaan ang nangyari bago niya tuluyang nakita ang life clock niya. Bago niya tuluyang makita ang nalalabing mga oras na itatagal niya.
"YOLO, Lin."
"YOLO? Ano naman yun? Nakakain ba 'yon?" Nagtatakang balik na tanong ni Lin sa kanya. Halata sa mukha nito na wala itong ideya sa sinasabi niya at ang ekspresyon sa mukha nito ang siyang nakapagpangiti sa kanya.
"YOLO! You only live once. Ibig sabihin gawin mo na ang mga bagay na gusto mong gawin habang buhay ka. You'll never know, maiksi lang ang buhay kaya iyon ang gagawin ko."
"Jusmiyo, akala ko naman kung anong YOLO 'yang pinagsasasabi mo. Huhulaan ko, napulot mo 'yan sa librong pinasa sa iyo ng writer mo, ano?
Natatawa siyang napatango, tama ito nang sabihin nito kung saan niya nakuha ang ideya na iyon. Madalas ay nakakapulot siya ng mga makabuluhang bagay sa pagbabasa ng mga manuscript na ipinapasa sa kanila pero madalas rin ay wala. Lalo na yung mga gawa na parang robotic ang dating at walang emosyon. Kulang sa characterization at puro aspetong teknikal lang ang alam.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomanceLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...