"Sigurado ka na ba rito?"
Hindi na niya mabilang kung ilang ulit siyang tinanong ni Lin sa kung sigurado na ba talaga siya sa gusto niyang mangyari, at iyon ay ang pagtira kasama si Raiyan sa bahay nito bilang bahagi ng pagyaya niya sa huli.
"I've bever been so sure in my entire life, Lin."
"At pumapayag ka sa mga kundisyon niya?"
"May choice ba ako? Siya lang ang susi para huminto ang pagkaubos ng oras ko. He might be my only hope para kahit papaano ay tumagal pa ang pananatili ko kasama ninyo."
Hindi na nito napigilan ang bumuntong hininga.
"Shit naman kasi iyang sitwasyon ko. Bakit ba kasi ganyan iyang nangyayari sa iyo? Sa lahat naman ng tao."
"Hindi ko rin alam."
"At sa lahat naman ng taong tutulong sa iyo, bakit iyong si Mr. Alcantara pa? Itsura pa lang noon parang pinaglihi na sa sama ng loob."
"Mabait naman siguro siya."
"Siguro?" Binigyang diin pa ni Lin ang salitang iyon, na para bang hindi pa rin ito kumbinsidong magandang ideya ang gusto niyang gawin."Siguro pero hindi tayo sigurado riyan. Paano kung masama pala talaga ugali niya, tapos pagmalupitan ka niya kapag nakatira ka na kasama niya. Paano kung biglang serial killer pala ang isang iyon tapos bigla ka na lang nawala. Saan ka nami-"
"Lin, kalma! Ang OA naman, sino ba talaga sa atin ang gustong maging writer? Nakabuo ka na ng plot eh, ano ba?"
Huminahon ng kaunti si Lin at saka siya ulit tinignan. "Sorry, na-carried away lang naman ako. Eh kailan ba ang lipat mo?"
"Bukas, tapos nagpaalam rin muna ako kay Mr. Go na hindi muna ako papasok para makapagfocus ako sa ginagawa ko para sa iDreams."
"Pumayag naman?"
"Oo, sabi niya sasabihin din daw sana niya iyon pero naunhana ko lang daw siya."
"Mukhang close talaga si Mr. Go sa Alcantara na iyon ano?"
"Ang sabi niya sa akin eh apo raw ng kaibigan niya si Raiyan, at malaki ang pagkakautang niya roon kaya naman he's just returning the favor."
"At ikaw ang alay?" Sarkastikong sabi pa ni Lin sa kanya.
"Alay?"
"Oo, alay. Ang dami namang pwedeng i-recommend na writers diyan, bakit ikaw pa?"
"Parang hindi ka masayang ako ang nakuha ah, besides, kung hindi nangyari ang bagay na iyon, hindi ko malalaman na may pag-asa pa ako kahit papaano. At least just by prolonging the time I have left para makasama kayo at magawa ang mga bagay na gusto ko."
Biglang gumuhit ang lungkot sa mukha ni Lin pagkasabi niya noon.
"Oh, huwag ka nang malungkot. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para kahit papaano mapigilan ko kung anong pwedeng mangyari sa akin. At sa ngayon, si Raiyan lang ang nakikita kong solusyon."
"Ang unfair lang kasi," nagsimulang mangilid ang mga luha ni Lin at alam niya kung para saan iyon. Gayon rin naman ang nararamdaman niya pero wala siyang magawa at she needs to go with the flow.
If it is Raiyan that she needs, gagawin niya ang lahat para mapalapit rito. If that's the only way para kahit papaano ay mapahaba niya ang oras niya.
She has no choice at mahirap man tanggapin ay mas maiigi na iyon kesa wala siyang gawin.
"Huwag ka nang malungkot, gumagawa nga ako ng paraan para mapahaba iyong buhay ko tapos iniiyakan mo naman ako. Hindi pa ako patay, and I won't be anytime soon kaya pwede ba, suportahan mo na lang ako, Lin."
"Sinusuportahan naman kita, kaya nga kahit ayoko, eh pumayag na akong tumira ka kasama ang lalaking 'yan para lang madagdagan iyang letseng oras mo." Tapos ay hinagilap ni Lin ang kamay niya at marahang pinisil iyon. "Basta, promise me na hindi ka bibigay sa isang iyon."
"Bibigay?" Bigla siyang napabitaw sa kamay ng kaibigan matapos marinig ang sinabi nito. She knows what she meant by that kaya naman ganoon na lang ang reaksyon niya sa kaibigan.
"Ang gwapo naman din kasi nung si Mr. Alcantara kahit mukhang antipatiko at pinaglihi sa sama ng loob. Alam mo, kapag titignan mo nga siya tapos hindi siya magsasalita o magsusuplado, papasang lead sa mga romance stories eh."
"Kaso antipatiko nga sabi mo at mukhang laging mainitin ang ulo kaya thanks, but no thanks. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo at lalong hindi pa ako tuluyang nababaliw. I'd rather die than fall for him."
Pinatahimik siya ni Lin sa pagsasalita. She even place her palm by her lips kaya naman lalo siyang hindi nakapagsalitan. "Huwag kang magsalita ng tapos. Gwapo talaga kuya mo, sabihin mo bawas-bawasan ang pagsusuplado."
"Wala nang pag-asa ang isang iyon."
------Kinagabihan ay isang tawag ang natanggap niya mula kay Raiyan, hindi niya inaasahan na tatawag ito gayong hindi pa naman niya ito binabalikan ulit sa napag-usapan nilang dalawa.
"Hello," sinagot niya ang cellphone niya at kinausap ito mula sa kabilang linya.
"When will you be coming here?"
Excited? Parang noong nag-usap lang kami eh ayaw niya pa.
"Bukas, may mga kinakailangan lang akong ayusin ngayong araw kaya hindi ako natuloy pero bukas, sigurado na iyon. Bakit?"
"Wala naman, I just want you to finish your story para mapa-review na natin iyan at magproceed ka na into making the script."
Atat? Ikaw na lang kaya magsulat?
"Ah, s-sige. Don't worry, nagsusulat naman ako. Tapos naman na iyon and ineedit ko na lang para hindi naman nakakahiyang ipasa sa iyo ang final draft." Kaswal na sabi pa niya. Mayamaya pa ay naalala niya 'yong sinabi ni Rica noong huling magkausap sila.
"Okay then," tapos ay magpapaalam na sana ito pero bigla niya itong tinawag.
"Teka, Raiyan."
Na siya namang dahilan para hindi nito matuloy ang pagbaba ng telepono.
"Yes?"
"Iyong gabing hinatid mo ako sa bahay ko, noong... noong nalasing ako."
"What about it?"
"I was just thinking kung... kung ano," hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya pa sana dahil sa hiya sa kaharap.
"Ano nga? Can you make it faster, hindi lang pagkausap sa iyo ang gagawin ko kaya bilisan mo?"
"Oo na, lage ka na lang nagmamadali."
"My time is precious, hindi dapat nasasayang."
"Edi wow," mahinang sabi niya pa nang marinig ang sinabi nito.
"What is it?"
"Wala, nevermind. Sige na, bukas na lang hindi na kita aabalahin. Nakakahiya naman sa iyo."
Pagkasabi noon ay ibinaba na ni Raiyan ang telepono habang siya naman ay tila ba kinakausap pa rin iyon habang inaambahan na para bang si Raiyan pa rin ang kausap niya.
" Pwede namang bumait kahit konti, napakasuplado. Akala mo naman kung sinong gwa-" tapos ay muki niyang naisip ang sinabi ni Lin kanina, "O siya, gwapo rin naman pero sobrang antipatiko talaga kaya... wag na lang."
Nagpatuloy siya sa paghahanda ng mga gamit niyang dadalhin papunta sa bahay ni Raiyan, ilang mga gamit lang naman iyon na hindi niya rin alam kung pang hanggang kailan?
Wala siyang kongkretong plano, hindi rin niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng kagustuhan niyang mabuhay nang mas matagal pa pero isa lang ang alam niya.
Determinado siyang gawin ang bagay na ito at iyon lang ang nasa isip niya.
At gagawin niya ito para kay Rica at sa mga bagay na gusto pa niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomansLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...