BWY 24: Uneasy

84 3 1
                                    

I was waiting for him to answer as I repeat what I have said earlier.

Nakita kong nag-isip ito ng malalim tapos ay tinignan niya ang kontrata na pinirmahan ko, iyong mismong nanggaling sa kanya at saka ako tinignan.

"Are you sure about this?"

"One hundred percent sure,"

"Bakit? Ano bang nangyayari sa iyo that you have to go this far?"

Napatingin pa ako sa likuran ng kanang palad ko at nakita roon ang nakahinto kong life clock.

It stopped again, actually kanina pa noong nagtatalo pa lang si Raiyan at ang ginang na kausap nito kanina. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ko nagawang umalis kahit pa ilang na ilang na ako sa nangyayari at nakikita ko.

At ngayon na buo na ang paniniwala ko na si Raiyan nga ang susi sa problema ko ay lalo lang akong nagkaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy na ang naumpisan ko ng plano.

"A-akin na lang ang bagay na iyon, hindi rin naman ako nagtanong sa iyo nang kung anong nangyari kanina so hindi mo na kailangan pang malaman ang dahilan kung bakit umabot ako sa ganito. Rule number three part one, idinugtong ko na lang sa ginawa mo."

He looks at the paper he is holding, tapos ay binasa iyon ng malakas. "Do not meddle with each other's affair."

"Walang pakialamanan. Walang personal na mga tanong lalo na sa dahilan kung bakit oo ginagawa ang bagay na ito."

"Don't you think I deserve to know your reason, what made you came to this decision kahit pa hindi na-"

"I'd rather not talk about it, kung okay lang. Isa pa, ikaw rin naman ang makikinabang sa pananatili ko rito. Remember that I made a promise na tatapusin ko ang project ko sa inyo and let's just say na magagawa ko lang ang bagay na iyon kapag nanatili ako rito kasama ka."

Hindi na ito muling nagsalita pa at nagpatuloy lang sa pagbasa sa ibinigay at pinirmahan kong kontrata na galing sa kanya, tapos ay nagpatuloy iyon hanggang sa siya naman ang pumirma.

"Pwedeng magtanong?"

"Sige,"

"Ahm, bakit ka pumayag sa ganitong set-up. I mean, not that I regret everything at wala na rin namang bawian pa pero gusto ko lang malaman kung bakit... bakit ka pumayag sa gusto ko."

Natapos nang pirmahan ni Raiyan ang papel, ibinaba nito ang ballpen na hawak niya at saka mataman na tumingin sa akin. Bigla pa akong natigilan nang marealize na papalapit nang papalapit ang pagitan naming dalawa. Hanggang sa nasa dalawang dangkan na lamang iyon.

Napalunok pa ako nang matitigan nang malapitan ang mukha niya dahil sa pagkakalapit naming dalawa. Tapos ay nakita ko siyang ngumisi.

"Sa akin na lang ang bagay na iyon, and besides, you're right. Atleast, kapag nandito ka, I will be able to monitor your progress and I'll be able to make sure na hindi masasayang ang oportunidad na binigay sa iyo ng iDreams."

Pagkasabi noon ay iniwan niya ako sa opisina niya at saka siya nagtungo sa pintuan, pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay muli niya akong nilingon at kinausap.

"Pinalagay ko na kay Mang Jaime sa kwarto ko iyong mga gamit mo. Kinausap ko na rin siya about our set-up kaya hindi ko na kailangang mailang sa kanya.

Sa iyo lang naman ako naiilang. Sabi ko pa sa isip ko matapos ang sinabi niya.

"Ano iyon, may sinasabi ka ba?"

"W-wala, ang sabi ko eh thank you. For all of this,"

Marahan lang itong tumango bago tuluyang lumabas.
-----

Kinagabihan ay sa couch ko nakita ang sarili ko na nakailang ulit na ng baling. Hindi akonmakatulog marahil dahil iyon ang unang gabi ko sa ibang bahay at iyon din ang unang gabi hindi ko kasama si Rica.

Bigla ko tuloy namiss ang kakulitan niya, lalo na ang pagpunta niya sa kwarto ko bago ito matulog.

Hindi ko na napigilang makaramdam ng lungkot sa isiping iyon ngunit ang palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko ay na kakayanin ko ang lahat, dapat ay kayanin ko iyon dahil iyo lang ang tanging paraang naiisip ko.

"Having a hard time sleeping?"

Mayamaya pa ay narinig kong may nagsalita na galing sa gawi niya, agad akong napabalikwas ng bangon at sana naupo bago tumango. I can see him sitting on his bed with a book in his hands.

Marunong pala siyang magbasa.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Takhang-takhang tanong niya sa akin nang hindi ko mapalis ang tingin ko sa kanya at sa librong hawak niya.

"Iyang librong hawak mo, I was the editor and proof reader of that book before it was published."

"And so?"

"Wala naman, nabanggit ko lang, baka lang trip mong malaman."

"So hindi ka nga makatulog?"

"Oo, namamahay ako. Ito kasi yung unang beses na hindi ko kasama ang kapatid ko. Baka kaya namamahay ako,"

"There's no such thing."

"Meron, iyon nga iyong nae-experience ko. Isa pa," napatingin ako sa kanya ngunit agad na natigilan nang makita ang seryosong mukha niya habang nakatingin sa akin. "Nevernind."

"What is it?"

"Wala nga,"

"Ano nga?"

Nangulit pa ito hanggang sa wala na akong nagawa kung hindi itanong na iyon sa kanya.

"Iyong kaninang babae, siya rin iyong nasa iDreams noong offeran niyo ako diba?"

"Yeah,"

"Sino siya?" Nagpatuloy ako sa kaswal na pagtatanong ngunit agad naman ako nitong binara.

"Chismosa ka rin eh 'no?"

"Sino bang hindi maku-curious, eh para kaming nanunuod ng shooting ni Mang Jaime kanina. Akala ko sa pelikula lang iyon nangyayari, o kaya sa mag libro o drama sa T.V."

"She's nothing."

"Eh bakit ganon na lang kay-"

"Rule number three, part one."

Doon na siya tuluyang tumahimik at bumalik sa pagkakahiga dahil alam na niya ang ibig sabihin noon. Hindi na ako nangulit pa dahil wala naman akong pakialam sa kung anong nagyayari sa buhay nito, ang alam ko lang ay hindi sila magkasundo.

"Oo pala," mayamaya pa ay muli nitong kinuha ang atensyon ko. "You'll be working at the office, the one I showed you earlier. Doon ka na muna pumuwesto. Nandito naman si Mang Jaime if you need anything, siya na ang bahala."

"S-salamat."

"Don't thank me, may kapalit ang lahat ng ito, Luwie."

"Kapalit? Anong kapalit?"

"You'll see, I'll be asking you to do something for me kapag dumating ang tamang oras. But for now, better enjoy everything."

Gusto kong kabahan sa sinabi niya ngunit sa huli ay hinayaan ko na lang.

Sinubukan kong matulog ulit nang gabing iyon. Kahit na hirap ang pinili ko pa rin dahil alam kong kakailanganin kong masanay sa lahat ng nangyayari at mangyayari pa lang.

I chose this situation at ito ang daan patungo sa katuparan ng pangarap ko. At least, this way, I'll be able to fulfill my dreams kahit na saglit lang.

Kahit na konting oras na lang ang meron ako.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon