Walang nagsasalita sa kanilang dalawa ni Rica nang makauwi siya at abutan ito sa salas. Hindi pa rin siya nito pinapansin pero medyo humupa na ang inis nito, marahil dahil nakapag-isip-isip na ito kanina pa.
"G-galit ka pa rin ba sa akin?"
"Hindi naman ako nagagalit, Ate Luwie. In fact ay masaya pa nga ako na nakahanap ka ng tao na nandiyan para sa iyo. Pero..." she pauses tapos ay muli itong nagpatuloy sa sinasabi nito sa kanya. "Kailangan ba talagang umalis ka rito sa bahay at iwan ako?"
Bigla siyang nakaramdam ng guilt matapos nitong sabihin iyon sa kanya. May himig ng pagtatampo ang tono ni Rica at doon pa lang ay alam na niyang hindi magiging madali ang iwan ito ngayon o lalo pa kapag tuluyan na siyang mawawala sa mundong ito.
Parang tinutusok ng kung ano ang dibdib niya habang tinitignan ang kapatid, ayaw rin naman niyang gawin ang bagay na iyon pero alam niyang wala siyang ibang pagpipilian.
Wala na.
"Lilipat naman dito si Ate Lin mo, hindi ka naman mag-iisa." She tried convibcing her pero parehong tingin lang ang ibinabato nito habang nakatitig sa kanya.
"Hindi naman siya ang ate ko. Besides, alam mo naman na hindi ako sanay na magkalayo tayo, hindi rin ako sanay na hindi ka naaaway kaya paano na lang ako kapag aalis ka na?
"So kaaway lang pala ang gusto mo kaya ka nagkakahanyan after mong malaman ang plano ko?"
"Syempre,"
Kunwari ay sinimangutan niya ang kapatid at saka inismiran ito. Doon naman hinagilap ni Rica ang kamay niya, she held her too at hinaplos pa nito iyon bago muling nagsalita.
"Pwede bang huwag ka na lang umalis?"
"Gusto ko naman sana, pero kailangan ko itong gawin. Alam kong hindi mo maiintindihan ngayon pero dadating ang panahon na ipapaliwanag ko sa iyo lahat."
"Explain it to me now ate, para maintindihan kita."
Umiling siya bilang tugon dito.
I wish I could, para hindi ko na siya masaktan pa. Bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kapatod niya.
Alam niyang siya lang ang inaasahan nito at sa kanya ito nakakapit pero alam rin niyang kailangan niyang gawin ang bagay na ito para magkasama pa sila ng matagal.
Para mabuhay pa siya ng matagal.
"Saglit lang naman akong mawawala, I'll just figure things out at kapag ayos na, babalik rin ako rito. Also, magkikita pa naman tayo araw-araw, kakain ng sabay at maririnig mo pa rin ang panenermon ko."
Tapos ay narinig niyang bumuntong-hininga si Rica.
"Eh sino ba kasi iyang sasamahan mo? Wala kang ipinapakilala sa akin, sure ka bang kapatid mo pa ako?"
At least iyon ay kaya niyang sabihin sa kataid niya kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. She tild her who he is at hindi niya inaasahan ang naging reaksyon nito.
She looks excited matapos lumabas ng oangalan ni Raiyan sa bibig niya, "Si kuya pogi?"
"Kuya pogi?"
"That guy na naghatid sa iyo noong nalasing ka."
At doon niya naalalang nagkita napala ito at si Raiyan.
Tumango siya bilang tugon.
"Okay, payag na ako."
At ganoon lang kabilis ay nagbago na agad ang isip nito tungkol sa mga plano niya.
BINABASA MO ANG
Be With You
RomanceLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...