BWY 11: Trouble

68 6 27
                                        

Natagpuan ni Luwie ang sarili na nakatayong muli sa harapan ng building ang iDREAMS. Kaninang umaga lang ay naglalaban ang isip at puso niya sa kung tutuloy ba siya o hindi pero mas lamang ang kagustuhan niyang tumuloy dahil may gusto siyang malaman at masigurado.

Hindi siya sigurado pero huminto ang life clock niya nang sandaling mahawakan siya ni Raiyan, bagay na kahit siya ay nagtataka kung paano nangyari.

Imposible, baka namalikmata lang ako.

Tinignan niya ang kanang kamay kung saan naroon ang life clock niya at mula roon ay nakita niyang patuloy itong nababawasan.

96:16:23:15

Walang pinagbago ang kakaibang orasan niyang siya lang ang nakakakita. Patuloy na nauubos ang nalalabing oras niya, hindi katulad kahapon nang makita niyang huminto ito saglit.

Napaisip bigla si Luwie, marahil ay dala lang iyon ng matinding inis na nararamdaman niya para sa lalake o kaya ay dahil sa kagustuhan niyang mabago ang kapalaran niya.

Kung ano man iyon ay ayaw na muna niyang isipin, may mas importante pa siyang laban na dapat kaharapin at iyon ay walang iba kung hindi si Raiyan Alcantara.

Pilit niya munang inalis sa isip ang nangyari kahapon at itinuon na lamang ang atensiyon sa paglakad papasok ng iDREAMS, ngunit hindi pa man siya nakakarating sa revolving door nito ay may bulto ng katawang aksidenteng nakabangga sa kanya.

Mawawalan sana siya ng balanse kung hindi lang sa maagap na pag-alalay sa kanya ng taong mismong nakabangga sa kanya. Nahawak niya nito sa mga braso at mabilis na naagapan ang dapat sana ay pagbagsak niya sa malamig na semento.

"Sorry Miss, ayos ka lang ba?" malumay ngunit puno ng pag-aalalang tanong nito sa kanya.

Agad niyang nabasa sa mukha nito ang pagkabahala at pag-aalala para sa kanya. Hawak pa rin nito ang mga braso niya nang mapagtanto niya ang possiyon nilang dalawa, kaya bago pa siya magsalita ay mabilis na siyang humiwalay at lumayo rito.

"O-oo ayos lang ako. I-ikaw?" balik na tanong niya sa lalakeng nakabanggaan.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, mas matangkad ito sa kanya ng mga ilang pulgada, halos tingalain na kasi niya ito. Napansin niya kaagad ang mga mata nito na natural na kumikislap sa tuwing nagtatama ang tingin nila. Maging ang dalawang biloy na nasa magkabilang pisngi nito ay hindi rin nakaligtas sa kanya.

Maamo ang mukha ng lalake, malayo sa itsura ng kakilala niya.

Bigla siyang natigilan nang maisip si Raiyan. Muling napailing si Luwie sa pangalawang pagkakataon bago alanganing ngumiti sa kaharap.

"P-pasensiya na. Hindi ko rin napansin na paparating ka. Hindi ko natignan iyong dadaanan ko."

"Ayos lang kasalanan ko naman. Sigurado ka bang ayos ka lang?" Paninigurong tanong nito sa kanya.

Muli siyang tumango bilang tugon, kasabay noon ay ang paglahad ng lalake sa kamay nito sa harapan niya.

"Christian Del Valle,"

Nahihiyang kinuha niya iyon upang makipagkamay. Ngumiti ri  ito sa kanya na siya namang nakapagpatigil sa kanya saglit.

"Luwella Sta. Maria. Luwie na lang para mas maiksi."

Napag-alaman niyang emoleyado ito ng iDREAMS dahil sa ID na ibinigay nito sa receptionist. Nagpaalam muli ito sa kanya bago umalis, ngumiti ito sa kanya at hindi na niya napigilang ngumiti pabalik.

Matapos siyang mabigyan ng visitor's pass ay nagtungo kaagad siya sa elevator. Lumulan siya roon hanggang sa marating niya ang floor kung nasaan ang opinina ni Raiyan Alcantara at matiyagang hinintay ang paghinto noon.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon