"Anong ginagawa mo? Pwede bang bit-"
Bago pa man matapos ni Raiyan ang sasabihin niya ay bigla nama lang nabuwal ang babaeng nakahawak sa braso niya. Natulala siya saglit at natigilan ngunit agad ding binalikan ng huwisyo nang makitang nakahandusay na sa sahig ang dalaga.
Mabilis siyang kumilos upang daluhan ito, marahan niyang tinapik ang pisngi ni Luwie at sinikap na gisingin ito ngunit makalipas ang ilang pagtatangka ay wala pa ring nangyari. Nanatiling walang malay ang dalaga at doon na siya tuluyang nataranta.
"Ms. Sta Maria, wake up. Luwella, Luwella!"
Mabilis na tinawagan ni Raiyan si Johnson sa nasa labas lang ng meeting room, ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan at sa halip na si Johnson ay si Christian ang nakita niyang iniluwa ng pinto. Mabilis nitong dinaluhan ang dalaga at wala nang oras na sinayang pa.
Wala na siyang nagawa pa nang buhatin ni Christian ang dalaga, nakiusap pa ito sa kanyang buksan ang pintuan na siya naman niyang ginawa. Sinundan niya ito habang palabas ng meeting room at ng opisina niya patungong elevator.
"Let's use my car, mas mabilis natin siyang madadala sa ospital." aniya kay Christian matapos nilang sumakay ng elevator. Sumang-ayon naman ito at hindi na siya kinontra pa. Huminto ang elevator sa basement parking, may ilang beses niyang mabilisang isinara ang pintuan ng elevator kahit pa may ilang mga palapag itong hinintuan. Sinawalang bahala niya ang ilang mga taong gusto sumakay sa elevator, sa halip ay humingi na lamang ng paumanhin sa tuwing mabilisan niyang pipindutin ang buton para magsara ito.
Nang marating ang kinaroroonan ng sasakyan niya ay mabilis ngunit maingat nilang inilapag ang dalaga sa likurang upuan, umupo pa siya roon upang masigurong mailalapag ito ni Christian nang maayos habang inaalalayan niya ang ulo ng dalaga. Iyon din ang dahil kung bakit napaunan ang walang malay na si Luwie sa mga hita niya. Hindi na siya makakilos pa kaya sa huli ay si Christian na ang nagpasyang magmaneho ng kotse.
-----Napansin niyang unti-unting minulat ng dalaga ang mga mata nito. Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila ba naghahanap ng makikilala ng mga mata habang kumikilos paupo sa kama.
"Ang sabi ng doctor ay kailangan mo raw magpahinga." ikinagulat pa nito ang pagsasalita niya dahilan upang bigla itong mapalingon sa kinauupuan niya.
"Kailangan mo ba talagang manggulat?" matigas na sabi nito bago umayos ng upo.
"Hindi ko na kasalanan kung nerbyosa ka, lie down at huwag kang munang magkikikilos."
Inilibot muli ng dalaga ang panongin sa paligid ng silid kung nasaan sila pagkatapos ay idinako naman nito ang tingin sa suot nitong hospital gown bago siya muling binalingan.
"Bakit nasa ospital ako? A-anong nangyari?" kasabay ng mga tanong nito ay mabilis na gumuhit ang pagtatakha at takot sa mukha ni Luwie.
Naoansin niyang tinignan rin nito ang likod ng kanang palad nito na para bang may nakikita ito roon.
"You callapsed after talking to me at my office earlier. You were unconcious for about..." tinignan niya muna ang relong suot niy upang masiguro ang oras bago muling nagpatuloy. "Six hours already."
Hindi makapaniwala ang dalaga nang sabihin niyang halos anim na oras na itong walang malay, kinailangan niya pang tumawag ng doktor upang ipaliwanag dito ang nangyari at saka lang ito kumalma.
Pagkatapos magbilin ng doktor ay lumabas na rin ito at iniwan sila. Samantalang tahimik namang bumalik sa pagkakahiga si Luwie at hindi na umimik pa. Nang inakala niyang nakatulog na ito ay marahan namang naglakad si Raiyan patungo sa pintuan, lalabas sana siya sandali upang subukang tawagan si Mr. Go at ipaalam ang nangyari kay Luwie. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay bigla na lang itong bumalikwas ng tayo mula sa pagkakahiga at saka siya pinigilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/150491858-288-k656672.jpg)
BINABASA MO ANG
Be With You
Любовные романыLuwie, a girl who sees her life clock, an aspiring writer and who is determined to pursue her dream and make it happen before her time is up. She will be tested by Raiyan, a production company president whom after declining her story is bound to ch...