BWY 14: What the...

40 0 0
                                        

"Ayos ka lang ba?"

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Christian. Sa tuwing titignan niya kasi ito ay lalo lang niyang naaalala ang tagpo kanina sa elevator, nang hindi niya mapansing kasama niya pala ito sa loob matapos niyang manggaling sa opisina ni Raiyan. Nagngingitngit ang puso niya sa galit, marahil ay dahil doon kaya hindi na siya masyado pang nakapag-isip. Hindi rin niya namalayang may kasabay pala siya roon kaya naman dirediretso lang ang bibig niya at halos isumpa ito.

Ngayon ay para bang inaani niya ang bunga ng kawalang preno ng bibig niya. Lalo lang siyang nahiya nang yayain siya ni Christian sa cafeteria na hindi naman na niya natanggihan pa.

"Here, drink this. Para naman mawala iyang init ng ulo mo at kumalma ka." natatawang sabi nito sa kanya. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nananatili siyang nakayuko ay alam niyang nakangiti ito sa kanya.

Inabot niya ang binibigay nitong juice at saka nagpasalamat. Nahihiya talaga siya, kulang na lang ay bumaba na siya sa elevator kanina kahit wala pa sa ground floor sa sobrang hiya na nararamdaman niya. Ni hindi niya alam kung paano ito kakausapin, hindi rin niya alam kung paano magpapaliwanag at wala na siyang ibang magawa pa kung hindi ang yumuko na lang.

"S-salamat."

"Don't worry, I understand where you're coming from. Hindi mo kailangang mahiya, ayos lang iyon."

Doon na siya napatingin sa binata na eksakto namang iniinom na rin ang orange juice nito. Nginitian siya ng lalake at sapat na iyon upang mawala ang pangamba niya na baka makarating kay Raiyan ang lahat ng sinabi niya.

"P-pasensiya ka na kanina sa akin. Hindi ko kasi alam na nandoon ka rin pala, hindi mo na sana nakita pa at narinig ang lahat ng sinabi ko." hiyang-hiyang sabi niya rito.

Natawa naman si Christian sa sinabi niya, umalis ito saglit sa kinauupuan at pagbalik ay may dala na itong isang slice ng cake na agad namang inilapag sa harapan niya.

"Isipin mo na lang na pabuya iyan for always putting up a fight with Raiyan. I do not support professional rebellion pero naniniwala akong kailangan niyang maintindihan na mali ang ginagawa niya. Mabuti na lang ikaw ang nakatapat niya."

Wala siyang maintindihan sa mga sinabi nito ngunit tinanggap na lang niya ang cake na inabot ng binata. Sinimulan niyang kainin iyon at unti-unti ay para bang gumaan ng kusa ang pakiramdamdam niya.

Noong una palang silang magkakilala ay magaan na ang pakiramdam niya kay Christian, marahil dahil ma rin sa malaking pagkakaiba ng ugali nilang dalawa ni Raiyan. Hindi man niya ugaling magkumpara ay hindi rin niya maiwasan lalo na sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataong makausap ang dalawa.

Mahinahon at di hamak na mas magaan kausap ang lalakeng kaharap niya ngayon kesa sa antipatikong nakasagutan niya kanina. Kung siya lang ang masusunod ay mas gugutuhin na niyang isa kina Carly o Christian ang nakakausap niya dahil palaging nauuwi sa sa pagtatalo ang usapan nila ni Raiyan kapah sila lanh dalawa.

"Pagpasensiyahan mo na lang si Raiyan kung palaging mainit ang ulo niya. Mabait naman iyon, okupado lang ang utak niya nitong mga nakaraan kaya nagsusungit."

"Mabait? Bulag ka ba?" sabi niya rito, tinigilan pa niya ang pagkain ng cake para makipagargumento sa lalake. "Nakita mo naman iyong ginagawa niya sa akin, hindi ba? Baka kailangan mo nang magpatingin ng mga mata mo, malala ka na." umiling-iling pa siya bilang pagtaliwas sa sinabi nito.

"Seryoso, mabait naman talaga siya. Masyado lang siyang maraming iniisip."

"Hay naku! Kahit ano pang sabihin mo, wala nang makakapagpabago pa sa isip ko at sa tingin ko sa antipa- sa lalakeng iyon pala. Hindi siya mabait, period no erase, padlock tapos susi."

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon