BWY 8: Tipsy Luwie

51 7 37
                                    

"Oh," naniningkit ang mga mata ni Rica nang makita ito ni Luwie habang nakaupo sa gilid ng kama niya. Mabilis siyang bumangon ngunit bigla namang sumirit ng pagsakit ng sentido niya kaya muli siyang bumalik sa paghiga.

Narinig niyang pumalatak si Rica na nakaupo sa gilid ng kama niya. Iiling-iling pa itong nakatingin sa kanya habang minamasahe niya ang magkabilang sentido niya.

"Nakakaloka ka ate, natatandaan mo ba lahat ng pinag-gagagawa mo kagabi?"

Natigilan siya sa ginagawa sabay tingin kay Rica ng may pagtatakha. Napakunot-noo pa siya dahil sa tanong nito sa kanya, sa totoo lang ay wala siyang maalala.

"A-ano bang ginawa ko? Ang natatandaan ko lang naman eh magkasama kami ni Lin, tapos uminom kami sa bar. Nag-CR ako saglit at..."

Bigla siyang natigilan nang para bang nanumbalik ang mga alaala niya matapos niyang magpunta sa CR.

"Ikaw?" muling ulit ni Luwie habang hawak ang kwelyo ng lalakeng nasa harapan niya.

Pabalik na sana siya sa mesa nila ni Lin nang makilala niya at mabosesan ang lalakeng kasunod niyang gagamit sana ng CR. Paano ba niyang makakalimutan ang boses ng taong uminsulto sa kanya at sa gawa niya. Ang mismong lalakeng nagsabing basura ang isinulat niya.

Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa epekto ng alak, bigla ay binalingan niya ng tingin ang lalake at nang makumpirma kung sino iyon ay mabilis niya itong nilapitan at kinuwelyuhan.

"Anong ginagawa mo?" malamig na tugon nito sa kanya matapos ang ginawa niya.

Para bang wala itong pakialam sa nangyayari, tila ba hindi nito iniinda ang ginagawa niya rito at ang tanging ginagawa lang nito ay ang makipagsukatan tingin sa kanya.

"Mag-sorry ka!" matigas na utos niya rito.

"For what?"

"For what? What what-in mo 'yang mukha mo." pabulyaw na sabi niya rito.

Diniinan niyang lalo ang pagkakahawak sa kwelyo nito at ni wala siyang pakialam kung hindi hamak na mas matangkad ito sa kanya. Lalong wala rin siyang pakialam kung lalake ito, ang nasa isip lang niya ang ang marinig na humingi ito ng paumanhin sa kanya dahil sa nangyari kanina.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nababaliw ka na."

"Ikaw ang nababaliw!" binitiwan niya ito nang magtama ang mga mata nila.

Hindi ito pumalag kahit pa mahigpit niyang hawak ang kwelyo ng damit nito at ang akala niya ay kaya niyang makipagtitigan rito. Sa huli ay siya rin ang nakaramdam ng pagkailang lalo na nang hindi man lang ito pumalag at nakipagtitigan lang sa kanya.

"Who gives you the right to insult other people? Paano naaatim ng sikmura mo 'yang pag-uugali mo?" bahagya siyang lumayo ngunit nanatiling matigas ang mga tingin na binabato niya sa binata.

Kung nasa ibang sitwasyon lang sila at kung hindi siya nito ininsulto, malamang ay maaamin niya sa sarili niyang gwapo ito at walang babaeng hindi mahuhulog sa maamo nitong mukha, kaso ay iba ang sitwasyon mayroon sila.

He insulted her.

"Miss, I will not apologize at kahit pa umiyak ka ng dugo riyan, me apologizing? Is not happening."

Napapalatak na lang siya dahil sa mga narinig niyang sinasabi nito. Kung sa normal na sitwasyon ay hindi siya palapatol lalo na sa sitwasyong tulad nito ngunit dahil na rin sa epekto ng alak ay para bang may bumangong tapang sa dibdib niya. Kung tama man ang sinasabi nila na nakakadagdag ng lakas ng loob ang tama ng alkohol, sa tingin niya ay wasto iyon sa sitwasyon niya ngayon.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon