BWY 7: It's You

61 8 39
                                        

"Bakit bigla kang nag-aya rito?" narinig niyang tanong ni Lin sa kanya matapos nilang makarating at makapasok sa loob ng isang bar.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil sa nangyari kanina ay napagpasiyahan niyang yayain ito na uminom at para makalimot pansamantala. Alam niyang hindi iyon ang solusyon sa lahat ng pinagdadaanan niya pero alam niyang kahit pansamantala ay makukuha niyang kalimutan ang lahat ng nangyayari sa kanya.

Kahit ngayong gabi lang.

Hindi niya sinagot si Lin, sa halip ay tinawag niya ang waiter upang mag-order na para sa kanila. Matapos kausapin ito ay nagpabaling-baling siya ng tingin na para bang may hinahanap siya sa grupo ng mga taong nasa paligid nila.

The place was crowded with people, ang iba ay nagsasayaw sa gitna ng dance floor, ang iba naman ay nagkukumpulan sa bawat sulok ng bar at ang iba ay nakaupo lamang sa kani-kanilang mesa. Malakas rin ang tugtog sa buong paligid na halatang gustong-gusto ng mga naroon.

Masaya ang halos lahat ng taong nakikita niya roon. At naisip niyang sana ay ganoon rin siya, tinignan niyang bigla ang life clock niya na nasa likod lang kanang palad niya. Hanggang sa hindi niya na namalayan ang oagtawag ni Lon sa kanya.

"Luwella!"

Natigil ang lahat ng pag-iisip niya nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya, natakpan noob ang life clock niya at doon siya tuluyang natauhan.

Tinignan niya ito na halata naman ang pagtatakha habang nakatingin sa kanya.

Muli niyang binalingan si Lin at saka ngumiti rito. Kasabay noon ang pagtigil ng tugtog na naririnig nila kanina, napalitan iyon ng mas malumanay na tugtog. Tamang-tama lang para magkarinigan silang dalawa.

"Gusto ko lang magcelebrate."

Lalong gumuhit ang pagtatakha sa mukha ni Lin dahil sa narinig nito mula sa kanya. Binitawan nito ang kamay niya at kunuha ang bote ng beer na kalalapag lang ng waiter sa mesa nila.

"Mag-celebrate? Ang akala ko ba eh hindi natanggap sa iDREAMS iyong gawa mo? Anong kailangan nating icelebrate?"

Hindi na siya nakasagit at sa halip ay nagpatuloy sa pag-inom ng beer mula sa boteng hawak niya.

"Wala ka namang sinasagot kahit isa!"narinig niyang angil nito. "Sabihin mo nga, ano bang nangyari kanina? Noon tumawag ka sa akin parang pinagsakluban ka ng langit, tapos ngayon sinasabi mo na magse-celebrate tayo?"

"Basta,"

"Isa pa, bakit dito tayo nagpunta? Marami namang bar na mas mura kesa dito, alam mo ba kung gaano kamahal sa lugar na ito?"

"Akong bahala," paniniguro niya. Nagpatuloy siya sa pag-inom habang si Lin naman ay naiiling lang siyang tinignan.

Maging ito ay uminom na lang rin ng beer at hindi na muling nagtanong.

"Bakit, mayaman naman tayo. May pambayad ako 'no."

"Mayaman tayo sa kagandahan pero hindi sa pera. Wala pang sahod, paano ka magbabayad nito?"

Hindi man niya sabihin ay alam niyang nag-aalala si Lin sa kanya. Base sa mga kilos nito at pananalita ay hindi maitatangging naguguluhan ito sa ikinikilos niya ngunit pinili niyang balewalain iyon.

"Mamaya na natin intindihin ang bagay na iyan, Lin. Hindi naman tayo maglalasing, isa pa eto na yung pinakamalapit kaya huwag ka nang magreklamo, samahan mo na lang ako at huwag ka nang magtanong."

"Hai naku! Minsan napapaisip ako kung tama pa ba yang pag-iisip mo. Baka nga tama sila noon na nababaliw ka na."

"At sinong nagsabi niyan?"

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon