CHAPTER FORTY-EIGHT

518 37 6
                                        

'SO, do we have a deal now?' Zenaia asked in a firm voice.

Her Darkness stared at her hand before moving its red, piercing gaze into her eyes. She waited for an answer, until a minute had passed, but instead of giving her an answer, her Darkness glides gracefully and stopped just an inch in front of her. They stared deeply into each other's eyes as if studying one another, its dark red eyes penetrating to her very soul.

Bahagyang nakaramdam ng pag-aalangan si Zenaia ngunit hindi nagpatinag. If it is only trying to intimidate her, she needs to muster all her courage. Hanggang sa hindi nagtagal ay tuluyan nang naglaho ang lahat ng ekspresyon sa madilim na anyo nito. Nang buksan niya ang bibig upang magsalita at tanungin ito sa kung ano ang binabalak nitong gawin, ay ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang humakbang pa ito papalapit hanggang sa wala nang natirang espasyo sa pag-itan nilang dalawa. Her eyes widened as she realized what it did.

Her Darkness had entered her body.

Napapikit siya nang mariin nang maramdaman ang mabigat at nakahihingal na puwersa na siyang kaagad na lumukob sa buo niyang katawan. Her body started to feel hot and cold; and light and heavy at the same time. Bigla ay tila napalilibutan siya nang makapal na presensya, bagay na nagpapahirap sa kaniyang huminga.

'What's going on? Is her Darkness trying to overtake my body?' sigaw niya sa kaniyang isip.

Unti-unti na siyang nakakaramdam ng takot at pangamba nang may mapansin siya. Pinakiramdaman niyang mabuti ang sarili habang tinatanggap ng katawan niya ang kadilimang iyon. It doesn't seem like it's trying to overtake her. Zenaia took a deep breath in and out, and tried to get used to the heavy feeling, as the darkness settled in place. When she finally get used to the suffocating force, she slowly opened her eyes to know exactly what's going on, only to be met with a blurry vision of a flourescent lamp against the white ceiling.

Confusion filled her mind at the sudden change of her surroundings. Nawala na ang malawak na hardin na nakapaligid sa kinaroroonan niya. Dahan-dahan niyang iginala ang tingin sa hindi pamilyar na kuwarto at agad na naupo mula sa kinahihigaan hanggang sa luminaw ang kaniyang paningin. She gazed down at herself in surprise, her body feeling very light and graceful. Muli niyang tiningnan ang paligid.

Where is she? Is this another illusion?

"What's this thing attached to me?" she asked in wonder when she noticed the line attached on her arm. Sinundan niya iyon ng tingin at nakita ang isang dextrose na nakasabit sa ulunan ng higaan niya. Kumunot ang noo niya. All of this looked so real.

She was about to pull the covers off her body when she heard a couple of arguing voices. Pagkatapos ay natigilan siya nang maramdaman ang malalakas na presensiya na nanggagaling sa labas ng kuwartong iyon, bagay na nakapagpaalerto sa kaniya. Naikuyom niya ang mga kamao. Her eyes immediately shifted to red. "and... where the hell am I?" she asked coldly through a low, dark growl.

Walang anu-ano'y binunot niya mula sa braso ang karayom kung saan iyon nakabaon. Blood did not pour out from the wound, as expected. Hindi pa siya sigurado kung nasaan siya at kung isa lang ba itong ilusyon ngunit kailangan niyang maging handa kung may nakaabang man na panganib, kung naroon man ang mga kalaban. Nagtungo ang tingin niya sa nakabukas na pintuan. She couldn't see anyone, but she could feel some people outside. She could also smell the scent of fear coming from it. Her eyes narrowed as she tried to distinguish the strongest presence from a bunch of weaker ones: a Legendary immortal's.

Her heart suddenly started beating hard. There is something familiar about it that she couldn't put a finger on.

"It's alright, let me see my beloved," a man's voice ordered someone, his manly voice sounding harsh and demanding.

Taming the Darkness (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon