CHAPTER TWENTY-ONE

481 39 11
                                        

UMALINGAWNGAW sa buong silid ang malakas na sigaw ni Chad habang ginagamot ni Veseva ang sugat sa braso nito. Zenaia is flinching every time she hears it. Maging sina Eva at Rocky ay napapangiwi rin.

Nasa loob sila ng isa sa mga guest rooms na naroon at nakatipon. Nakahiga sa kama si Chad samantalang hinahawakan naman ang nagkukumawalang katawan nito nina Eva at Rocky habang bumubulong ng mga mahika si Veseva na nakatayo sa gilid ng higaan malapit sa kanang braso nito.

Zenaia couldn't understand what's happening. Pero nangingitim na may halong kulay asul na ang sugat ni Chad. Palagay niya ay dahil iyon sa lason na unti-unting pumapasok sa loob ng katawan nito.

Mulit itong sumigaw nang sobrang lakas. Napapaos na nga rin ang boses nito.

"Zenaia. Kumuha ka ng mainit na tubig. This will be over in a minute. At kailangang malinis kaagad ang paligid ng sugat nito." Utos sa kaniya ni Veseva.

"S-Sige.." Nanginginig ang boses na sagot niya bago nagmamadaling nagtungo sa kusina.

All of these happened because of her. Naisip niya habang nagsasalin ng tubig sa planggana. Dahil binabantayan siya ng mga ito kaya nadamay ang mga ito nang atakihin sila.

Pagkatapos kumuha ng tubig ay dinala niya iyon kaagad sa kuwarto at ipinatong sa ibabaw ng upuan na nasa tabi na ni Veseva.

She was amazed when she saw a green light covering Chad's wound which is slowly healing. Tumigil na rin sa pagsigaw si Chad at tahimik na lang na nakahiga. Mukhang nakatulog na rin ito. Basang-basa ito ng pawis at habol pa rin ang hininga. Hindi nagtagal ay tuluyan nang naghilom ang sugat nito sa braso.

"There, use a towel to wipe his body with hot water. Para mahimasmasan siya. Hindi biro ang sakit na pinagdaanan niya sa buong katawan niya. But he'll feel better in a few hours as if nothing happened."

"O-Okay na siya?" alalang tanong ni Zenaia.

"For now, we need to wait for the possible side effects. That is no ordinary wound. It came from the Underworld. Every wound caused by a demon is cursed. At maaaring maghatid ng mga pagbabago sa katawan niya ang natamong lason mula demonyo. We need to keep our eyes on him."

"Ibig sabihin, hindi pa rin siya magaling?" tanong ni Rocky.

"I healed the wound and help him avoid death. But there is nothing I could do with the curse mixed with the demon's venom." Kaswal na sagot ni Veseva.

"What will happen to him, then?" alalang tanong ni Eva.

"It's either he'll turn into an ordinary vampire... or a class C demon." Bumakas ang pagkabagabag sa itsura nina Eva at Rocky.

"Class C demon?" Zenaia muttered.

"It's an ordinary demon, almost the same with a vampire. Pero ang pinagkaiba lang nila ay hindi umiinom ng dugo ang mga class C demons. They can't stay out in the sun for too long and they live through strong emotions. They're not really that destructive so I think he'll be fine."

Lalong tumindi ang pag-aalala ni Rocky para sa kaibigan. Hindi nila akalain na ganoon pala ang puwedeng maging epekto ng munting galos na iyon. Mayamaya ay kumuyom ang mga kamay nito habang nakatingin sa kaibigan. Nakaramdam naman ng matinding konsensya si Zenaia.

"Makakapamuhay pa ba siya bilang hunter?" tanong ni Rocky.

Veseva shrugged. "It depends on his choices. He'll develop a more enhanced strength and speed. It'll be good if he will still use that ability as a hunter. Hindi na siya basta-basta mahihirapang makipaglaban sa mga demons."

Kumunot ang noo ni Zenaia sa babae. Napaka-chill lang kasi nito. Hindi man lang ito magpanggap na concern rin ito kahit papano o kaya ay magpakita na may pakiramdam rin ito.

Taming the Darkness (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon