CHAPTER ELEVEN

540 39 18
                                    

"WHOA... So shifting into a wolf form could be really painful?" mahinang sambit ni Zenaia.

She's currently reading a book about werewolves while sitting on the wooden floor. Tapos na niyang basahin iyong libro tungkol sa mga bampira. She couldn't believe how similar it is to what she had already known.

Iniisip tuloy niya kung posible bang may mga novel authors na nonhuman. That would be a little creepy and awesome at the same time. Imagine kung vampires or werewolves pala talaga ang author ng mga sikat na novels ngayon 'di ba?

"Looks like you're having fun."

Nagtaas siya ng tingin mula sa librong binabasa. Nakita niya si Billius na may dalang tray ng chocolate chip cookies at isang pitsel ng orange juice. Inilapag nito iyon sa gilid niya bago ito naupo sa sahig.

Ngumiti siya.

"Ang kaso nakalimutan kong may klase pa nga pala tayo bukas."

"Classes have been suspended for tomorrow. You can take your time reading. Three days tayong walang pasok dahil Sabado na after tomorrow."

"Okay, sige," sagot niya saka na-realized ang sinabi nito. "So, I'm gonna stay here for three days?" gulat niyang tanong.

"I don't see why not?" Sagot nito bago ngumiti. "I'm not going to do anything against your will," dagdag nito dahilan para mamula nang bahagya ang mga pisngi niya.

"Tss..."

She reached for a chocolate chip cookie at the same time that Billius did. Muling nagdikit ang kamay nila.

Mabilis niya iyong binawi at nag-iwas ng tingin.

They are alone again within these walls. Nagsisimula na naman siyang kabahan sa pinakawirdong paraan.

"You should have some. Hindi ka pa nakakapagtanghalian," sabi nito.

Pasimple niya itong nilingon. Nakasandal ito sa gilid ng bookshelf na katapat din ng sinasandalan niya. His eyes are close.

"You should sleep in your bedroom if you're feeling sleepy."

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kaniya.

"I'm not sleepy."

"Ah..." Nagbawi siya ng tingin at kumuha ng cookies. Iniba na niya ang usapan. "These books are really good."

"How many books have you finished reading?"

"Tatlo pa lang."

"Lang?"

"Um-hmm," sagot niya at tumango bago ito nilingon. "Nabasa mo na ba lahat ng libro rito?"

"Yes."

"What? Pero...." nilingon niya ang buong lugar. "There are so many books here, imposibleng nabasa mo na lahat 'to."

Ngumiti ito. "Would you believe if I tell you that I'm older than the total amount of books here?"

"Nah... you're just kidding."

He remained serious.

Napalunok siya bago muling nagbawi ulit ng tingin.

"But there are like thousands of books here!" Bulalas niya.

"Exactly."

Her jaw dropped.

"I can't give you an exact number as to how old I am and how many years I've been living in this world because I never keep counting. But I have witnessed almost everything that had happened since then."

Taming the Darkness (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon