CHAPTER TWENTY

489 46 8
                                    

NANG mga sumunod na araw ay nagpatuloy ang pag-eensayo ni Zenaia. Sa pagkakataong ito ay tinutulungan na siya ni Eva na siyang isa sa mga hunters ng Resistance.

"You should teach her first the basic forms in fighting, Billius. Masyado kang nagmamadali," sabi ni Eva nang unang araw niya sa ensayo.

Nakahinga nang maluwag si Zenaia nang mga pagkakataong iyon dahil katulad niya ay ordinaryong tao rin ang mag-eensayo sa kaniya. Mas madali niyang masusundan ang mga dapat gawin. Iyon nga lang, mas mahigpit ito kaysa kay Billius. She also learned that Eva is one of the best training instructors of the Resistance.

Ilang araw niyang inaral ang mga basic skills and techniques in unarmed self-defense. Ilang araw na ring nabubugbog ang katawan niya sa mahigpit na workout and stretching routine para mas maging flexible siya.

Napaupo siya sa damuhan sa garden ng bahay ni Billius. Pagod na pagod na siya. Kaninang madaling-araw pa siya sumisipa. Sumasakit na ang mga singit niya maging ang mga kasukasuan niya.

"Tired already? Wala pa tayo sa kalahati." Narinig niyang sabi ni Eva.

"Hindi ba puwedeng magpahinga kahit isang araw lang?"

"One day will be enough to numb your body again. Mawawalan ng bisa ang ginawa mong mga pag-eensayo."

She looked up at the huntress.

"Did you even do these stuff before?"

"Oo naman. But this is nothing compared to what I've been through."

"Sabe ko nga."

"Now, get up. Bago ka pa tuluyang tamarin."

Mabigat ang katawan na tumayo siya mula sa damuhan. At mabigat man sa loob niya ay nagpatuloy na sila sa pag-eensayo.

Veseva and Elkail have temporarily went back to their kingdoms. May mga inaasikaso rin kasi ang mga ito. Billius also said that they need to settle a few things especially now that they have been aware of their sins. Hindi pa rin naman pala ganoon katagal nang magising ang mga kasalanan sa katawan ng mga ito. Isa pa ay abala pa naman siya sa pag-eensayo. Si Billius man ay panay ang alis pero bumabalik din kaagad. Lagi itong may pinupuntahan kaya madalas ang kasama niya sa bahay ay mga hunters na nagpapalitan na lang bawat araw.

Palagay nga niya ay kumikilos na agad ang tatlo habang nagpapakabusy siya sa training niya.

It's fine, though. Alam naman niyang hindi pa siya fit para makisali sa mga ito. Baka makasagabal pa nga siya kung sakali.

"You should join us instead, than joining them." Eva said as soon as they finished her training for the day that afternoon.

"Sa Resistance?"

Tumango ito. "Most of us are humans, you'll be more comfortable with us than being with werewolves. At, hindi ba mas mainam na nakakalabas ka kaysa nakakulong ka lang dito?"

Taka niya itong pinanood na magsinop. Hindi naman problema sa kaniya ang magkulong sa bahay. She's an introvert, and being locked up somewhere is her most comfort zone. Lalo na at maraming libro ang naghihintay sa kaniyang mabasa sa loob ng library ni Billius. Kahit na pa abutin siya nang ilang taon sa pagkukulong sa bahay na ito na nasa gitna ng kakahuyan ay walang problema sa kaniya. Mas gusto nga niya na malayo sa kahit ano, lalo na sa maraming nilalang, tao man o hindi.

She noticed the way Eva said her suggestion, though. It's like, there's a hidden animosity in her tone of voice towards the non-humans.

"You don't trust them," diretsahang sabi niya.

"They don't trust us either." Hindi rin ito nag-abalang tumanggi. "Dahil lang naman sa alliance kung bakit hindi nagkakaroon ng labanan sa pag-itan namin."

Taming the Darkness (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon