CHAPTER ONE

6K 116 14
                                        

IT'S been five days since Zenaia moved in that town. Limang araw na rin siyang pumapasok sa paaralang naroon bilang isang senior high school. At sa loob ng limang araw na 'yon ay ilang beses na rin niyang nasasaksihan sa paaralan ang pagkakagulo ng mga estudyante sa tuwing paparating ang iba't ibang kulay ng limang magagarang sasakyan.

"OMG! Nandito na sila, friend! Kyah!" Narinig na tili ni Zenaia habang nagmamasid sa isang bench na malapit sa parking lot.

Mula roon ay malinaw niyang nasasaksihan ang kumpulan ng mga estudyante sa paligid ng kaliwang bahagi ng maluwang na parking lot na iyon. Panay ang tulakan ng mga kababaihan upang masilayan nang husto ang kanilang mga hinahangaan. Maging ang mga kalalakihan ay nakikiusyoso na rin kahit na pa bakas sa mukha ng mga ito ang matinding pagkairita.

"Cedric napakaguwapo mo talaga!" sigaw ng isang babae na halos magkandarapa sa paglabas ng isang matangkad na lalaki mula sa magara nitong asul na kotse.

Bilang sagot ay kinindatan ito ni Cedric.

"Oh my god! Puwede na po akong mamatay!" Nanlalambot na sabi ng babae at napakapit pa sa katabi.

Kasunod nito ay lumabas na rin ang tatlo pang lalaki na animo hinulma sa pagkaperpekto ang hugis ng mga mukha. Lalong lumakas ang sigawan sa paligid. Napasipol ang mga kalalakihan nang sumunod na lumabas mula sa mga magagarang sasakyan ang dalawang matangkad na babae.

"Friend! Nakita mo ba?! Tinignan ako ni Gavin malabs!"

"OMG! Nginitian ako ni Christof!"

Napailing na lamang si Zenaia sa mga aktong kaniyang nasasaksihan. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lamang kung magkagulo ang mga ito.

Yes, they are all extremely beautiful; matatangkad, magaganda ang mga pangangatawan, at halatang mayayaman, pero hindi naman siguro dahilan iyon para magkaganoon ang mga ito.

Muling ngumiti sina Cedric at Christof at kumaway pa sa mga ito, ngiting kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Halos matulala sa pagkamangha ang mga estudyante at sinundan ang mga ito ng tingin habang nagsisimula nang maglakad papasok sa loob ng building.

"Teka, nasaan na naman si Billius?" tanong ng isang babae mula sa kumpol ng mga estudyante.

"Mukhang hindi na naman siya papasok. Ano ba 'yan? Nami-miss ko na ang prince charming ko," malungkot na sagot ng isa pang babae.

Nanatiling nakaupo sa bench si Zenaia at ipinagpatuloy ang naudlot na pagbabasa ng libro.

Typical. Kahit siguro saan siya magpunta ay may masasaksihan siyang ganitong senaryo.

Hindi pa man natatapos ang dalawang minuto ay isang magarang itim na kotse ang mabilis na pumarke roon. Gulat na gulat na napaatras ang mga lalaki na muntikan ng mahagip. Maging si Zenaia ay nagulat dahil sa narinig. Ngunit ilang segundo lang ay muling nagkulumpon ang mga estudyante at pinanood ang paglabas ng isa pang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki mula sa kotse. Muling nagsigawan sa kilig ang mga kababaihan.

"YAY! Andito na si Billius, my prince charming!"

Napakaganda ng tindig ng lalaking bagong dating. Tila ba pagmamay-ari nito ang lugar. Sa lakas ng dala nitong karisma ay nagagawa nitong mapalingon ang lahat ng nadadaanan. Tila hibang namang nakasunod ang ilang mga kababaihan.

"G-Good morning, B-Billius," bati rito ng isa sa mga estudyanteng nakasunod.

Tinanguan ito ng lalaki bilang sagot, at ang munting galaw na iyon ay naging dahilan upang magtatatalon sa kilig ang babae. And that is Billius Guevarra. He is not just very well-known by his handsome features and charisma, but also by his standing in the society. Isa ito sa pinakamatalino sa eskuwelahang iyon at siyang pinakamayaman.

Taming the Darkness (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon