CHAPTER THIRTY-TWO

533 29 5
                                        

"ZENAIA."

Zenaia jumped from the bench that she was sitting on when she heard her name being called. Nilingon ni Zenaia ang tumawag. Veseva and Cedric are walking towards her with Caleb quietly following a few steps behind.

Hindi niya napansin na nagde-daydream na naman siya tungkol sa nangyaring iyon sa kanila kahapon ni Billius. Sa tuwing naaalala iyon ay tila may mga bulateng nagsasasayaw sa tiyan niya. And her face always flushed whenever she felt that way. As embarrassing as it is.

That time, Billius was about to get on top of her when the door of her bedroom suddenly opened and revealed a very shocked-looking Veseva. Sa tuwing naaalala iyon ni Zenaia ay hindi niya alam ang gagawin sa sobrang hiya. Pagkatapos niyon ay hindi na niya matingnan nang diretso sa mata ang lahat sa loob ng bahay na iyon.

"Y-Yes?"

Napangisi si Veseva. Malamang sa naiisip din kung ano ang nasa isip niya.

"Ibinilin sa amin ni Billius na ituloy ang naudlot na pag-eensayo mo noon," informed Cedric.

She cleared her throat. "Pag-eensayo?"

"Sa pakikipaglaban," sagot ni Cedric.

Napakurap siya."Why?"

"It's for your own safety. Ayaw namin na maulit na naman sayo ang mga nangyari. Remember what happened the last time you were abducted. You were almost torn to shreds." Zenaia winced at the term. "Well, that's how Caleb and Gaston described it," said Cedric with a shrug.

"Ilang deranged vampires na nga ang umatake sa kaniya, Caleb?" tanong ni Veseva.

"I remember seeing Gluttony killing four of them. They were the ones feasting on her blood," sagot ni Caleb. Balik na naman ito sa dati. He looked bored once again.

"He only killed four?" Gulat na tanong ni Zenaia.

Takang nilingon siya ng mga ito.

"Bakit?"

"I remembered that there was at least a dozen of them."

"Pero saan naman mapupunta ang iba. Imposibleng umalis ang mga iyon matapos kang paslangin."

Umiling si Zenaia.

"I..." Her eyes widened as realization hit her. Bigla siyang napatayo. Nagsimulang manginig ang mga kamay niya nang muling maalala ang mga nangyari sa loob ng kulungan. "I killed them."

"Ano? Paano? You were just a human at that time." Takang tanong ni Cedric.

"I don't know. But I remember that I was beyond frightened. Then, something snapped inside me and I started fighting the deranged vampires. It was all a blur, but I could still remember how it felt like. It was as if I was being controlled by an unknown force. Then..." Nanlalaki ang mga mata niya at napahinto sa pagsasalita.

"Bakit? Ano ang sumunod na nangyari?"

Nanlambot ang mga tuhod niya at pabagsak na napaupo pabalik sa bench.

"Zenaia!"

"Zenaia! Ayos ka lang?" Cedric gently shook her shoulders to snap her out of her daze.

"What's wrong? You need to tell us."

"I just also remembered it now." Naging malikot ang mga mata niya. She could see herself back in the cell and fighting off the vampires effortlessly. "While I was fighting, a man in a red suit suddenly arrived."

Veseva blanched. "What happened next?"

She flinched and closed her eyes at the memory.

"What is it?!"

Taming the Darkness (Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon