CHAPTER SEVEN

916 44 1
                                        

BADTRIP si Zenaia sa sumunod na tatlong araw.

Kung nakakamatay lang talaga ang masamang tingin, baka pinaglalamayan na siya ngayon. The students keeps on glaring daggers at her. She is now the most hated person in that school. Although, no one tries to approach her and do her harm, she still feels uncomfortable that she's being dissed at wherever she goes.

Even Natalie's group didn't approach her anymore. Ano kaya ang sinabi ni Billius sa mga ito? Posible kayang may kinalaman ito kung bakit walang umaamin sa kaniya maliban sa matatalim na tingin na ipinupukol ng mga ito? And speaking of Billius...

Hindi na naman ito pumapasok. And he has the nerve to say something like, 'she needs to stay beside him so he could protect her.'

That bastard. Is he lying?

"Zeeeen~!"

Napangiwi siya nang marinig ang malakas na boses ni Gavin. She saw him running towards her seat while holding his tray of food. Kasunod nito si Christof na may daladala ring tray ng pagkain.

Nagmamadali niyang inubos ang burger at halos mabulunan habang umiinom ng orange juice saka tumayo mula sa kinauupuan.

"Oops! Where are you going?" nakangising sabi ni Gavin saka hinarangan ang dadaanan niya.

She flinched away and frowned at him. Even though they all looked normal, she is now aware about them being a non-human. Her experience has been really traumatizing, she had developed insomnia and still still couldn't sleep properly at night. Since the first day that she went back to school, she'd been very suspicious of everyone, silently wondering who is human and who is not. But she is more than a hundred percent sure that Billius and his circle of friends are not.

"I've finished eating. Let me go to the library," pigil ang inis na sagot niya rito.

"Sorry, but no." Sagot nito at muli siyang pinaupo pabalik sa upuan niya. Iritang tinabig niya ang kamay nito na nakahawak sa balikat niya. Those hands were not a human's... The man looks offended by her reaction but just shrugged it off.

"What do you mean no? Bawal na rin ba akong magpunta ng library ngayon?"

"Hindi naman sa ganoon," sabi nito at ipinatong ang tray sa lamesa na punong-puno ng pagkain. Naupo ito sa harap niya samantalang pumuwesto naman si Christof sa tabi nito. "Here." Inilagay nito sa harap niya ang isang malaking plato ng halo-halong pagkain; at least dalawang order ng kanin, a small portion of pork menudo, kaldereta, chapseuy, and even a piece of fried chicken leg.

"I told you, tapos na akong kumain."

"Billius told us to make sure that you are eating plenty," sabat ni Christof nang hindi nagtataas ng tingin mula sa kinakain nito na doble pa ang dami sa pagkain niya. Napalunok siya. How could they eat so many?

Napatitig siya sa mga ito. Christof is the suplado version of Gavin. They're twins and they are very identical except for the tiny mole under Gavin's left eye.

"Eat," utos ni Gavin habang nakangisi.

She gawked at her plate. There are lots. Hindi niya iyon mauubos. Iniisip pa lamang niya na kailangan niyang ubusin iyon ay naduduwal na siya.

"I'll die."

"That won't kill you. Hindi tayo aalis dito hangga't 'di mo nauubos 'yan."

Wala siyang magawa. Napipilitan man ay sinimulan niyang umpisahang kainin ang pagkain na nakahain sa harap niya.

Twenty minutes after, ay hindi pa rin niya iyon nakakalahati. Busog na busog na siya. She glowered at the two who are now busy playing an online video game on their phones. They were done eating in just a few minutes, as unbelievable as it is. Kahit sundalo ay hindi kakayaning umubos nang ganoon karaming pagkain sa loob lamang ng ilang minuto.

Taming the Darkness (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon