Chapter 4

464 13 0
                                    

Hinatid na niya ako pauwi, papasok pa din kasi siya. Nagkukulitan kami sa jeep. Pinagtitinginan kami kasi napakadikit talaga namin tsaka nagsasalita siya ng 'I love you'. May pagka PDA siya kaya medyo nahihiya ako. Nacoconcious din kasi ako sa mga nakatingin na sa amin.

Hinatid na niya ako pasakay ng LRT. Ayos pa ako, parang wala lang sakin lahat ng nangyare, nagpaalam na kami sa isa't isa.

Habang pauwi na, medyo nasa isip ko na siya, tumatak na sakin yung itsura kapag ngumingiti siya, yung malambing niyang boses, yung mahigpit at mainit niyang yakap, lahat ng nasa kanya, naalala ko na. Pero hindi pa ganun kalala yung feelings ko para sa kanya kasi I'm still doubting. Confuse pa ako, hindi ako sure kung mahal ko ba siya o mahal niya ako. Ewan, naguguluhan ako.

Nakauwi na ko ng bahay. Habang nagrereview ako, ewan ko ba pero walang pumapasok sa utak ko. Siya yung naiisip ko, yung smile niya naiisip ko.

Nagbreak muna ako sa pagrereview, pinikit ko ang aking mga mata, hoping na kumalma ako. Pero mas lalong lumala pa ata, mas lalo ko pa siyang inisip. Hindi na siya mabura sa isipan ko.

Hindi na rin siya mabura sa puso ko. Iba na din feeling ko. Feeling ko magooverheat ako, feeling ko may butterflies sa stomach ko. Ewan ko, hindi ako mapakali, para akong nakikiliti na ewan.

Hanggang pagtulog, siya nasa isip ko. Hindi pa nga ako makatulog nun eh. Inaantay ko kasi yung chat niya sakin. Nagtetext siya pero hindi ako makareply kasi wala akong load.

Narealize ko nung time na yun na nafall na talaga ako sa kanya. Nagplano na nga ako para sa future namin e. Kasi nafeel ko na baka siya na talaga.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon