Chapter 37

44 5 4
                                    

Pain makes us stronger, yet it also makes us insane. Kasabay ng sunod sunod na pagkawala ng taong nagmamahal sa kanya, ang pagguho ng mundo niya.

Pain changes us, our personality, our heart and our soul. Kahit na nahihirapan siya noon, kahit na siya mismo ay gusto niya nang kumawala noon ay nasasaktan pa rin siya ngayon. Bakit? Mahal niya e. He was craving for love back then, dumating si Steven, he satisfied the crave.

Pinakita sa kanya ni Steven 'yung pagmamahal na hinahanap niya. Pagmamahal na hindi naibigay ng mga past relationship niya.

Heartbreaks, depression, stress. Onti onti siyang pinapatay ng mga iyon. Araw araw, nagistrive siya para malampasan 'yun, naghihikahos siya para mabuhay.

Pero hanggang kelan? Hanggang kelan 'yun kaya ni Pierre? Kapag wala na siyang nararamdaman? Kapag manhid na siya?

Hindi pa siya nawawalan ng pag asa kahit na unti unti siyang nilalamon nito. Umaasa pa rin kasi siya na maibabalik niya ang lahat. Na babalik sa dati ang buhay niya.

Umaasa siya na may taong magliligtas sa kanya. Pero hanggang kelan siya aasa?

Matagal na silang nag uusap ng maayos ni Aaron. Wala na silang communication ni Ethan. Iniiwasan na rin siya ni Stephen.

He was about to give up but he was afraid to die. He was afraid to hurt himself. Naisip niya, nasasaktan na nga siya emotionally, sasaktan niya pa sarili niya physically. Pumapasok din sa isip niya na how about a quick death. Magpakamatay na siya agad ng mabilis lang, no pain.

But then, iniisip niya na he doesn't deserve the pain. Na hindi dapat siya nasasaktan ng ganito. Nag isip siya kung paano mawawala ang pain, kung paano mawawala ang nararamdaman niya. Narealize niya na kung hindi siya nagmahal, hindi siya masasaktan. Kung hindi na nakilala si Aaron, hindi niya rin makikilala si Ethan or even Steven.

Sinisi niya si Aaron. He was cursing Aaron. Kasalanan ni Aaron lahat. Lahat kasi konektado kay Aaron. Aaron deserve the pain, Aaron is worthy to experience pain. Si Aaron dapat ang nakakaranas ng nararanasan niya ngayon.

Aaron needs to vanish in his world. Aaron needs to die. Pain really makes us stronger but also pain makes us insane.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon