Chapter 28

71 5 0
                                    

Nilibang ko nalang ang sarili ko para makalimutan sila, para makalimutan ang nangyare. Nanatili kaming friends sa Facebook pero hindi na kami nag uusap.

Nakipagkilala ako sa iba, pinilit ko maging masaya pero mahirap talagang pilitin ang isang tao.

Sa umpisa mahirap pero kapag tumagal tagal na ay unti unti ko na ng nalilimutan ang mga taong iyon. Nakipagrelasyon ako sa mga babae at lalaking nag aapproach sa akin. Pinagsabay ko sila, wala akong pake sa nararamdaman nila, hindi ko na inisip 'kung ano ang nararamdaman nila sa akin. Hindi ko na inisip na 'kung masasaktan ba sila kapag iniwan ko sila sa ere. Hindi ko na inisip 'kung makakasakit ako. Itinuring ko sila na parang gamit, sa una magiging sweet, sasabihan ng sweet words, naging madali na nga sa akin ang pagsabi ng 'mahal kita' kahit na I didn't really mean it.

Makikipagrelasyon ako tapos kapag sawa na ako ay iiwanan ko na, iiwan ko bigla sa ere ng walang pasintabi. Naging masama ako ng dahil sa kanila, naging loko loko ako, hindi ako ganito. Kasalanan nila 'to. Nagmahal kasi ako ng tapat tapos lolokohin lang. Nagsabi ako ng totoo tapos ano? Pinagmukha nila akong tanga, naging sinungaling ako.

I was lost, hindi lang ako broken hearted, I also lost my soul. Biro biro na lang sa akin ang pagmamahal. Natatakot kasi ako, natatakot akong masaktan at maloko. Kaya ganito, ako na ang nananakit, playing safe na ako. Kaya kahit minsan, kapag malapit ko nang mahalin ang tao, irereject ko agad kasi ayokong masaktan, ayoko ko din silang masaktan sa akin.

Matagal tagal din ako naging ganito. Akala ko ganito na ako magpakailanman, pero wala talagang forever. Bumalik ulit sa buhay ko si Steven.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon