Chapter 27

82 5 0
                                    

"Alien kasi talaga ako, gawa gawa kwento kaya ganun, hindi, may amnesia ako, kaya kung ano anong sinasabi ko. Kay Sam kami nagkakilala, oo, kilala ko si Sam, close friends ng kami nun eh. Diba bestfriend siya ni Aaron? Oo, nakwento niya sa akin si Aaron kaya kami nagkakilala, tapos nagkita na kami and such. Wag ka mag alala, hindi ko minahal si Aaron, hindi ko din siya mahal, trip trip lang ang lahat, ganun. Okay, sa kanya ka maniniwala ah? Mahal mo kasi eh. Stay strong, yun lang. Magmahalan kayo, may forever. Sinusuportahan ko kayo, ayos lang kahit 'wag ka na mag chat kasi baka magalit pa sa akin si Aaron. Okay."

Nag logout na ako agad, wala na akong balak hintayin kung ano mang reply niya sa kasinungalingan kong 'yun. Alam ko naman na kasinungalingan lang din ang irereply niya dun eh. Ayoko na makipaglokohan, ayoko ng madagdag 'tong bigat na nararamdaman ako. Ang sakit kasi sa puso. First time mangyare, hindi rin naman ako maiyak, ayoko, pinipigilan kong umiyak.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Kailangang mong masaktan para matauhan?

Sa araw na ito, narealize ko na ang galing ni Aaron, ang galing niya manghawa ng pagkacorrupt niya. Ang galing niyang mag iba ng kwento. Basta ang galing niya magsinungaling.

Magaling din siya manakit, magaling siya magpaibig at magpaasa. Yung tipong mahal na mahal mo na siya tapos biglang ipapakita niya kung sino talaga siya.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon