Chapter 12

256 5 0
                                    

Habang nasa sinehan kami, he's doing stimulating stuffs with my hands. He was using my hands to play. Kinikiss niya, pinaglalaruan, licking, at kung ano ano pa ginagawa niya. Ako naman, nanonood lang at pinapabayaan lang siya. Dumating din sa point na nag aasked pa siya ng isang kiss, dahil nahihiya talaga ako, hindi ko siya pinagbibigyan.

Natapos na yung movie, he was still holding my hand, bumitaw ako kasi baka kung ano pang isipin ng ibang tao. Nagtatampo siya kasi bumitaw ako kaya hinawakan ko ulit yung kamay niya hanggang sa makaalis na kami ng cinema.

Pagkatapos namin manuod ay umuwi na agad kami, wala kaming masakyan, punuan sa jeep, balak niya na magtaxi nalang kami kaso nirefuse ko kasi masyado na niya akong nilibre, nahihiya na ako. So I suggested na mag LRT na lang kami, pero ayaw niya kasi takot daw siya sa maraming tao, claustrophobic daw kasi siya. Hindi siya makakahinga, masusuffocate daw siya.

'If ever na magcollapse ka, imamouth to mouth kita.' Nagjojoke lang ako noong sinabi ko yun and I know na alam niya na hindi ko rin gagawin yun kasi hindi naman ako PDA. But kahit na ganun, napilit ko siyang mag LRT nalang kami.

Walang masyadong pila sa bilihan ng ticket sa LRT, ayos wala pang crowd control. Balak niya pa sanang bilhan ako ng ticket pero meron na naman akong ticket kaya hindi na ako nagpabili sa kanya.

Ilang tren na ang dumaan, hindi kami nakasakay kasi punuan, habang naghihintay ay sinasasabi niya pa rin na may plan siya para ibigay ako kay Ethan, kay Ethan nalang daw ako. Magiging masaya daw ako kay Ethan, ihahatid sundo ako, bibigyan daw ako ng chocolates and such, mayaman daw si Ethan at siguradong mahal na mahal daw ako ni Ethan. Kinikilabutan ako sa sinasabi niya, more on nandidiri ako. Ayoko kay Ethan, naiinis din ako kasi feeling ko ay ayaw na talaga niya sa akin.

Parating na yung train, he then said 'I like you.' Sabi ko naman ay hindi kita gusto. Hindi nanaman ako nagiging honest sa kung ano nararamdaman ko.

Dumaan na yung train then bumulong ako ng 'I like you too.' Hindi niya narinig dahil sa tunog na crineate ng train at dahil din mahina lang talaga ang pagkakasabi ko nito.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon