Chapter 10

254 5 0
                                    

Inihatid na ako ni Ethan. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa ihatid niya ako sa sakayan. Ewan ko, parang kinamumuhiaan na pinandidirian ko siya na ewan.

Chineck ko yung phone ko para itext si Aaron. May nakita akong unread message ni Ethan na nakalagay ay 'Kiss ko muna'. Dun ko naisip na mukhang tama yung hinala ko na kaya siya naggroom ay para dahil dun, swerte ako kasi natakot ko siya sa akin at hindi ko nabasa yung text niya kundi baka narape na ako nun.

Nakasakay na ako at hindi na niya ako hinatid papunta samin. Habang nasa daan nga kahit na sinasabi kong dederetso ako ng uwi ay iniinsist niya na kay Aaron ako pupunta, well hindi naman siya mali doon kasi kay Aaron nga ako pupunta.

Sumakay ako sa jeep na malayo at hindi dadaan sa meeting place namin ni Aaron, hindi ko talaga kasi alam kung paano umuwi o pumunta dun.

Habang nasa biyahe ay tinext ko si Aaron, matagal na pala siyang naghihintay dun. Ewan ko kung bakit ako nagmamadali masyado pero parang lahat na ata ng stoplight na madadaanan ay binibilang ko yung countdown para umandar ulit yung jeep, ayoko lang siguro yung pinaghihintay yung tao. Binibilang ko din bawat station ng LRT na madadaanan at kinacalculate yung acceleration nito kasi gusto ko na talagang magmadali. Excited din ako pumunta doon, gusto ko agad siyang makita, makasama, ikwento sa kanya lahat at kalimutan si Ethan.

Nakapunta na ko doon sa meeting place namin ni Aaron, nandun siya, nakaupo ng magisa habang kumakain. Habang palapit ako ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan siguro ako, o baka naman naeexcite ako? Hindi ko sure, parang may butterflies din sa stomach ko.

Pinuntahan ko siya, lumapit sa kanya at tumabi. Una kong ginawa ay ibigay yung drawing ko sa kanya.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon