Chapter 38

48 4 1
                                    

Gusto niyang mawala si Aaron sa buhay niya. Hindi lang si Aaron kundi lahat ng taong sumira sa kanya. Lahat ng taong naging dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. Lahat ng taong nagpabago sa kanya.

Siya ang unang nang approach kay Aaron. Kilala na niya si Aaron, alam niya na kung paano makipag laro sa kanya.

Kinuwa niya 'yung phone niya at tinawagan si Aaron. "Hello, Aaron. Namimiss na kita, can I see you again? Ayos lang kahit na last na pagkikita na natin ito." Sinabi niya 'yun with a sweet, calm at may halong pagmamakawa na boses kahit na deep inside ay kumakalabog ang puso niya dahil sa hatred.

"Namiss na din kita. Kelan ka pwede? Pwede sa bahay namin, sabihin mo lang." Narinig na naman niya ang boses ni Aaron. Bumabalik na naman lahat. Bumabalik na naman lahat ng nararamdaman niya. Hindi pa kasi siya totally na nakakapagmove on. "But I need to stay calm. Hindi na dapat ako magpanaig sa nararamdaman ko." He told to himself. Hindi dapat magpanaig sa nararamdaman pero kitang kita na nilalamon siya ng feelings niya. Nilalamon siya ng hatred.

"Thanks Aaron. I love-umm. Sorry, nasanay lang." He laughed sarcastically. Prinoprovoke niya si Aaron, alam niya kasi na papatulan 'yun ni Aaron. Na mas mapapadali ang lahat kasi sasamantalahin ni Aaron ang isang tao lalo na't alam niya na may feelings ang isang tao para sa kanya.

"No need to apologise. You can still say that you loved me. You are just showing what you really feel." He smirked. "What I really felt huh? Kelan ka pa nagkaroon ng pake sa nararamdaman ko Aaron?" Gusto niya sabihin 'yun pero masisira lang lahat kasi mag aaway lang sila. Binaba niya na 'yung phone. Ngumiti siya, pinipilit niyang huwag tumawa but he can't. Tumawa siya ng malakas. He laughed sarcastically. A laugh that is full of pain and agony. Hindi niya napansin na tumatawa na pala siya habang umiiyak. Hindi na niya talaga kayang icontrol ang emotion niya.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon