Chapter 23

107 6 0
                                    

Inisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako. Ayoko magsinungaling pero ayoko rin masira ang relasyon nila though gusto ko gumanti, gusto ko sila magbreak pero hindi ako ganung kasama na tao.

Kinulit ako ni Steven, sabi niya gusto niya lang malaman ang totoo, hindi niya naman sasabihin kay Aaron na sinabi ko sa kanya ang tunay na nangyare.

Wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya. Sinabi ko kay Steven na nagkakilala kami sa isang online site ni Aaron.

"Bakit sabi sa akin ni Aaron, kay Sam daw kayo nagkakilala?" Medyo kumunot yung noo ko, wala akong kilalang Sam, meron kaso hindi ko alam kung yun yung tinutukoy niya.

"Teka, sino si Sam?" Sabi ko sa kanya, medyo matagal siya nagreply, kinabahan ako. Alam kong may mangyayareng gulo, may mag aaway.

"Mutual friend, best friend ni Aaron, dun daw kayo nagkakilala eh." Ang galing talaga niya magpalusot, ang galing talaga ni Aaron magsinungaling. Ang galing niya talaga ibahin yung kwento.

"Hindi ko kilala si Sam, at sa online site talaga kami ni nagkakilala ni Aaron." Nagsend ako ng screenshot kay Steven ng una naming pagkakachat sa naturang online site ni Aaron. Nakita niya pero hindi na siya nagreply.

"Wag mong sasabihin kay Aaron to ah." Kahit ganun si Aaron, kahit naiinis ako sa kanya, ayaw ko pa rin masira pagkakaibigan namin pero ineexpect ko na na sasabihin ni Steven kay Aaron yung mga sinabi ko sa kanya, inexpect ko na masisira yung pagsasama namin at tama nga ako dun.

Magkachat pa kami ni Aaron, hindi ko napigilan yung sarili ko, tinanong ko siya kung alam niya yung sinabi sakin ni Steven.

"Sino si Sam?" Tanong ko sa kanya, kinakabahan ako, alam ko na kahihinatnan nito.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon