Chapter 6

383 11 0
                                    

Si Ethan. Halos sabay lang sila ni Aaron dumating sa buhay. Halos sabay nga din ata sila nanligaw kaso mas binigyan ko ng attention si Aaron. Hindi lang talaga ako interested kay Ethan, masyado kasi siyang clingy, masyado din siyang madrama. Naiirita lang ako.

Pero andyan naman si Ethan nung nagbreak kami ni Aaron. Nandiyan si Ethan para icomfort ako, nandiyan siya para sabihing kalimutan ko na si Aaron kasi nandyan naman siya para sa akin at hindi niya gagawin kung ano man ang ginawa ni Aaron. Andyan nga si Ethan nung medyo low ako pero bakit ganito? Parang wala pa rin yung existence niya para sakin. Parang hindi ko pa rin siya napapansin.

Naging magkaibigan kami lalo ni Aaron. Pinakilala niya pa sa akin si Steven, yung partner niya ngayon. Ang cool nga eh, kasi mas comfortable ako ngayon sa kanya kahit na ganun na ang ginawa niya sa akin. Siguro, mahal ko nga talaga siya.

I decided to draw Aaron, ewan ko, ganito lang siguro ako pag depressed, idadaan nalang sa drawing tapos makakamove on na ako.

Drinawing ko siya at after nun, pinost ko sa facebook yung drinawing ko.

Kinabukasan, magmimeet na kami ni Ethan. Hinantay ko muna siya mag online kasi hindi ko pa alam kung ano yung exact time and location kung saan kami magmimeet.

And then, nagonline na nga siya, sinabi na niya sakin yung time and location ng meet up. Nakita niya rin pala yung drawing, nagcomment siya ng 'I know him'.

Iniisip ko kung paano. Kinukutuban ako na siguro ay isa siya sa mga naloko ni Aaton nung time na nagloloko pa siya.

Tama nga yung hinala ko. Tinanong ko kung paano sila nagkakilala and he said 'I had an affair with him and he left me hanging.'

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon