Chapter 32

65 4 0
                                    

Mas lalong nagimprove 'yung friendship namin. Habang tumatagal, narerealize ko na napofall na din ako sa kanya. Pero hindi maalis sa isip ko kung sino 'yung crush niya, kung ako ba 'yun o katulad ko lang?

Hindi lilipas ang araw na hindi ko siya kinakausap, na hindi ko tinatanong sa kanya kung sino 'yung taong gusto niya kasi alam ko na may pag asa ako sa kanya. Ayos lang sa akin kung gaano man kaiilit ito, ayos lang sakin kasi alam ko na kaya kong palakihin 'yung pag asa na iyon.

Hindi na din maiwasan na ikuwento sa akin 'yung katangahan niya kay Aaron. Binibigyan ko lang siya ng payo, naiintindihan ko kasi siya, naexperience ko din 'yun and I know how to deal with Aaron.

Sa kanya lang umiikot ang mundo ko noon, wala akong ibang ineentertain kahit na alam ko na may iba siyang gusto. Gusto ko na kasi siya, nahulog na ako sa kanya, he was my prince, pangarap ko siya noon pa man.

Ilang weeks din kami nagkausap, sa maikling oras na iyon ay nagustuhan ko na talaga siya, madali lang siguro ako mafall, madali lang din siguro ako mahulog sa kindness ng iba sa akin.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon