Chapter 26

79 5 0
                                    

Kinabukasan, nagchat sa akin si Aaron. "Ang galing mo talaga mangsira ng relasyon no?" May hinala na ako, may sinabi si Steven sa kanya. Alam ko na, nagusap silang dalawa, maiipit nanaman ako at ako ang sisisihin?

"Ha? Ano nanamang ginawa ko?"

"Ang galing mo din magpakipot no? Ano bang trip mo at gustong gusto mo kong siraan kay Steven? Naiinggit ka ba, ha?" Hindi ako naiinggit, naiinis ako, naaawa ako. Napaka corrupted nila, ang sama nilang pareho. Naiinis ako sa ugali nila, mga masasamang tao nila.

"Oo na, kasalanan ko na, sorry na." Nagreply ako, pero wala siyang reply sa akin.

"Ikaw na ang tama, sasabihin ko na kay Steven na mali ako, sasabihin ko na ginugulo ko lang kayo, na gawa gawa ko lang ang lahat, na kay Sam kami nagkakakilala, na naiinggit lang ako at sinisiraan ko lang kayo. Oo na, ikaw na tama, ganyan ka naman eh." Hindi ko na tinignan kung nakita niya ba ang message ko o nagreply ba siya, chinat ko na si Steven and this time, hindi na ako magsasabi ng totoo. Tutal, 'yun naman gusto nila eh, sasabihin ko kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

"Steven, aamin na ako, sinungaling akong tao, naiinggit lang ako sa inyo ni Aaron kaya ko kayo sinisiraan, bakit? Pinaglaruan niya kasi ako kaya gaganti ako."

"'Yung mga pinagsasabi mo sa akin, kasinungalingan lang lahat 'yun?"

Napahinga ako ng malalim, "Oo, sinungaling kasi akong tao, gagawin ko ang lahat para makasira lang, kahit tanong mo pa kay Aaron, loko kasi ako eh."

"..."

"Aaminin ko na, kay Sam talaga kami nagkakilala, yun kasi ang sabi sayo ni Aaron kaya ayun yung totoo. Kay Aaron ka maniniwala ah, mabait siyang tao, hindi siya nagsisinungaling, mahal ka nun ng todo." Ang hirap magsinungaling, ang hirap maging masama, pero bobo kasi ako kaya ko ginagawa 'to. Tanga tanga ako pagdating dito. It's better to hurt yourself than to hurt others.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon