Chapter 16

204 8 0
                                    

     Hindi nga sila nagbreak ni Steven, yun naman talaga yung gusto ko, na hindi sila magbreak, na maging sila kahit masakkt sakin. Masokista ba tawag dito? O kamartiran? Hindi, siguro katangahan na to, malaking katangahan.

      Naging mabuting magkaibigan kami ni Steven kahit sa chat lang kami nag uusap. Kakaiba kasi siya, makulit siya, nakikita ko yung sarili ko sa kanya dati.

      Nalaman ni Aaron na nag uusap kami ni Steven, nagtampo siya sa aming dalawa, hindi, nagselos ata siya. Gusto niya kasi kung ano yung sa kanya, sa kanya lang, walang ibang makikiepal, walang ibang mang aagaw. Doon na nagumipisang lumabo ang lahat.

      Napagdesisyunan namin ni Aaron na magkita ulit kami, saglit lang daw kasi may test siya ng 1 pm. Hinintay ko siya magising kasi yun yung time na mag aayos na ko para umalis pero medyo late na siyang nagising, kaya yung 8 am na usapan namin ay naging 9:30 am. Oo, umonti nalang yung oras na mag sasama kami kaya nagmadali talaga ako nun.

      Hindi na niya ako inantay sa babaan ng LRT kundi doon nalang sa 7/11 sa di kalayuan. Ang tagal ko daw kasi, naiinip na siya, tapos inaantok pa siya kaya matutulog muna siya.

      Bumaba na ko ng LRT, pumunta ng 7/11 at nakita ko na siya. Mukhang bagong gising talaga siya, halos walang nagsasalita samin habang papunta ng jeep. Nag iba na nga talaga siya, karaniwan siya yung nag oopen ng topic, ngumingiti kapag tumitingin ako sa kanya tapos ngayon hindi na niya ginawa.

     Nasa jeep na kami, ang tahimik pa rin namin, ako na nagbayad ng pamasahe namin kasi sabi niya hindi na niya ko malilibre kasi may babayaran daw siya sa school nila.

     'Uy, anong sinabi mong magbebreak kayo ni Steven? Kwento mo naman sakin.' Ako na yung unang nagsalita, ang awkward lang kasi. 'Ah, yung tita niya kasi, ayoko lang ng ginaganon ako, pero ayos na kami. Nakakainis lang, dati tanggap kami, ayos lang sa kanya, tapos ngayon ginaganyan niya na ko.' Nagsalita siya ng hindi tumitingin sa akin, wala ring reaksyon, iba katulad ng dati.

     'Ah, wag kayong magbebreak ah?' Ngumiti lang ako sa kanya. 'Gusto mo kayo nalang ni Steven?'

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon